Wednesday , June 24 2026

‘Wag n’yo na pong idamay si Ate Janice’ — Gerald

ni Roldan Castro

042115 maja gerald janice

OKEY na ba si Gerald Anderson sa paghihiwalay nila ni Maja Salvador?

“Nasa healing process pa ako kaya inom nuna tayo ng Cosmo-cee,” tumatawa niyang pahayag sa launching ng bago niyang endorsement.

“Marami po akong makakapitan dahil sa mga tao sa paligid ko, very helpful, very supportive,” sambit pa niya.

Hindi pa rin maiwasan na itanong sa kanya ang pagkaka-link niya kay Janice De Belenat itinuturong dahilan ng hiwalayan nila ni Maja. ”Ito yung huling beses na magsasalita ako. Para sa mga hindi pa nakaiintindi, wala pong kinalaman si Ate Janice sa kahit anong iniisip niyo o sinasabi niyo. So, sana ho huwag na kayong mandamay ng mga taong walang kinalaman, please. Kung hindi pa malinaw ‘yon, wala pong kinalaman si Ate Janice,” deklara niya.

Kinunan din siya ng reaksiyon tungkol sa Instagram picture na magkakasama ang kanyang mga ex na sina Sarah Geronimo, Kim Chiu, at Maja.

“Yeah, nakita ko, magkakasama kami sa ‘ASAP’ every Sunday.

“That’s good. Ayoko na pong mag-comment, kasi whatever I say, kung may sasabihin ako, it’s taken out of context. Kung paano niyo po i-edit, it’s gonna be something different. Basta po masaya lahat, ‘yun na po ‘yon,” sambit niya.

Pak!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …