Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

January, 2018

  • 31 January

    Kris, ini-request at ipinaimbita ni Ms. Caroline Kennedy (sa pagpunta sa ‘Pinas)

    MASAYANG ibinalita ni  Kris Aquino na makikilala at magkikita sila in less than two weeks ni Ms Caroline Kennedy, anak nina rating US President John F. Kennedy (JFK) at First Lady Jacqueline Bouvier Kennedy Onassis dahil pupunta ito ng Pilipinas. Ipinaiimbita ni Ms Caroline ang Queen of Online World at Social Media kaya naman tuwang-tuwang ibinalita ito sa nakaraang Ever Bilena …

    Read More »
  • 31 January

    Sana Dalawa Ang Puso, pumalo agad sa rating; Katapat na show, inilampaso

    WINNER ang pilot episode ng Sana Dalawa Ang Puso nitong Lunes dahil trending kaagad bukod pa sa inilampaso nito sa ratings game ang katapat na programa sa GMA 7, 19.9% vs 6.1%. Ang mga kababayan nating nasa ibang bansa ay naka-live streaming kasama na ang mga pinsan namin na Salonga family. Sabi sa amin ni Rowena Salonga na simula noong …

    Read More »
  • 31 January

    Sylvia, aliw na aliw sa karakter ni Sonya

    ALIW naman itong si Sonya na karakter ni Sylvia Sanchez sa panghapong seryeng Hanggang Saan dahil nakakulong na’t lahat may lovelife pa. Sa takbo ng kuwento ng HS ay nanliligaw sa kanya si Rommel Padilla (Jojo) at kahit nakakulong na si Sonya (Sylvia) ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal nito at hindi rin naniniwalang siya ang maysala sa pagkamatay …

    Read More »
  • 31 January

    Publiko dapat masaya (Sa pagbabalik ng Tokhang) — Gen. Bato (563 drug suspects sumuko)

    HINDI dapat katakutan ng publiko ang Oplan Tokhang ng Philippine National Police kundi dapat maging masaya, pahayag ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa kahapon. “Dapat hindi sila matakot. Dapat masaya sila, at least ina-address ‘yung problema nila sa droga sa kanilang barangay,” pahayag ni Dela Rosa. Bago ang pagbabalik ng Oplan Tokhang nitong Lunes, nagpalabas si Dela …

    Read More »
  • 31 January

    BBL uunahin ng Senado kaysa Cha-cha — Sen. Aquino

    KOMPIYANSA si Senador Bam Aquino na makapapasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Senado sa Marso, idiniing makatutulong ito upang wakasan ang karahasan at terorismo sa Mindanao at mabigyan ng maganda at maunlad na buhay ang mga Muslim. “Uunahin na natin ang pagpasa sa BBL. We need this law in order to address urgent and pres-sing issues in the Bangsamoro …

    Read More »
  • 31 January

    Fake news sa PNA, PIA inamin ni Andanar

    INAMIN ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang kanilang pagkamamali sa nailabas na sa fake news sa Philippine News Agency (PNA) at Philippine Information Agency (PIA). Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe, hindi itinanggi ni Andanar ang pagkakamali ng kanyang ahensiyang pinamumunuan, sa paglalabas ng maling …

    Read More »
  • 31 January

    Mercado eksperto sa tabako ‘di sa Dengvaxia

    INAMIN ni Dr. Susan “Susie” Mercado na tobacco at hindi communicable and infectious disease ang kanyang forte matapos punahin ang doktor sa mga pahayag niya laban sa Dengvaxia. Walang karanasan sa medical research si Mercado tulad ni Dr. Tony Leachon na isang heart surgeon. Kabilang sina Leachon at Mercado sa mga naunang nagbigay ng negatibong pahayag hinggil sa dengvaxia. Sila …

    Read More »
  • 31 January

    Faeldon inilipat sa Pasay City Jail

    DINALA na sa Pasay City Jail si dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon kahapon ng tanghali. Dumating si Faeldon kasama ang mga tauhan ng Office of Sergeant at Arms ng Senado at ipinasok sa loob ng Male Dormitory ng Pasay City Jail, dakong 12:02 ng tanghali. Si Faeldon, nakasuot ng itim na t-shirt na may nakalagay  na “Truth is …

    Read More »
  • 31 January

    2-anyos paslit natupok sa sunog (Sa Kamuning)

    dead baby

    HALOS hindi na makilala ang bangkay ng 2-anyos babaeng paslit nang matagpuan makaraan maiwan sa nasusunog nilang bahay, sa Brgy. Kamuning, Quezon City, kahapon ng hapon. Sa ulat ng Quezon City Fire, kinilala ang biktimang si Kyna Labasog, residente sa 8 K7 St., Brgy.  Kamuning. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang sunog sa inuupahang bahay ng pamilya Nobregasa dakong 1:10 …

    Read More »
  • 31 January

    KTV bars sa Remington Hotel sa Newport, front nga ba ng prostitusyon?

    Club bar Prosti GRO

    HINDI nagiging maganda ang imahen ng Resorts World Manila dahil sa KTV bars/clubs na matatagpuan sa Remington Hotel. ‘Yan ay ayon mismo sa mga clientele na nakakikitang may kakaibang transaksiyon na nagaganap sa La Maison sa 2nd floor ng Remington Hotel at sa Madame Wong’s KTV bar sa 3rd floor ng nasabing hotel. Ayon sa ating source hindi bababa sa 12k ang …

    Read More »