Saturday , December 20 2025

Classic Layout

COVID-19 lockdown bubble

GCQ sa NCR binawi, MECQ iiral pa rin (Granular lockdown iniliban)

IPINAGPALIBAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nakatakdang implementasyon ngayon ng general community quarantine (GCQ) with alert levels sa Metro Manila. Inianunsiyo kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na mananatili sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila hanggang 15 Setyembre o hanggang kasado na ang pilot GCQ with alert level system para ipatupad. Alinsunod sa MECQ, …

Read More »
National Electrification Administration,NEA, Elections, Money

Electric cooperatives gatasan sa eleksiyon

GINAGAMIT na gatasan ang electric cooperatives ng mga opisyal na nais maluklok sa Kongreso. Ibinunyag ito ni Atty. Ana Marie Rafael, bagong talagang general manager ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) sa virtual Palace briefing kahapon. Si Rafael ay hinirang na bagong BENECO GM ng National Electrification Administration (NEA) ngunit tinututulan ng ilang BENECO Board of Directors kahit dumaan at pumasa …

Read More »
PH President

Next PH president, May respeto, ‘di butangera

HATAW News Team TAPOS na ang Filipinas sa lider na palamura at hindi na dapat sundan ng isa pang lider na butangera. Ito ang reaksiyon ni National Center for Commuter Safety Protection Chairperson Elvira Medina sa posibilidad ng pagtakbo sa 2022 Presidential election ni Davao City Mayor Sara Duterte. Aniya, kompiyansa siyang hindi mananalo sa eleksiyon ang babaeng alkalde resulta …

Read More »
PS-DBM, DOH

P42-B med supplies ‘iniskoran’ ng komisyon, ibinenta pa ulit sa DOH (PS-DBM bumili ng ‘overpriced’ para sa DOH)

ni ROSE NOVENARIO HUMAKOT ng komisyon sa P42-B pondo mula sa Department of Health (DOH), sa biniling overpriced medical supplies, saka muling ibinenta sa nasabing ahensiya. Base sa pagdinig kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee, lumabas na tatlong beses pinagkakitaan ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) at ng Department of Health (DOH) ang multi-bilyong CoVid-19 response funds. Hindi …

Read More »
 Marco Gumabao, Julia Barretto, Marco Gallo

Julia sa buhay niya ngayon — grateful, happy and content

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI nagdalawang-isip si Julia Barretto na tanggapin ang fantasy-romance drama na Di Na Muli ng Viva, Sari-Sari, at TV5. Nagustuhan kasi agad ng aktres ang istorya dahil kakaiba at hindi pa niya nagagawa ang karakter na ginagampanan dito. Ito rin bale ang comeback teleserye ni Julia simula nang umalis siya sa ABS-CBN. Ginagampanan ni Julia ang karakter ng isang taong mayroong abilidad …

Read More »
Cebu Pacific IATA Operational Safety Audit

Cebu Pacific pasado sa IATA Operational Safety Audit
Renewal ng rehistro tagumpay

SA PAGSUNOD sa mahigpit na global aviation safety standard, muling nakapagparehistro ang Cebu Pacific sa International Air Transport Association’s Operational Safety Audit (IATA-IOSA) Ang IOSA Audit ang tumitingin kung ang airlines ay sumusunod sa ‘highest level of safety practices’ na kailangang pasado sa ‘global aviation standards’ upang matiyak ang maayos at matiwasay na pagbiyahe ng mga pasahero. Unang umanib noong …

Read More »
Roxanne Guinoo-Yap, Joross Gamboa

Roxanne sa balik-acting — nag-set ako ng boundaries

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ANG bongga ng tambalang  Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap. Paano naman, nasundan pa ang una nilang seryeng Hoy, Love You! na napapanood sa IWantTFC original series. Talagang buhay na buhay pa ang kanilang fans kaya siguro nagkaroon pa ng Hoy, Love You Two, na mapapanood na simula Setyembre 11. Sa muling pagtatambal nina Joross at Roxanne natanong ang dalawa sa isinagawang virtual …

Read More »
Oriental Mindoro Provincial Jail

PDL nag-amok sa provincial jail 2 patay, 5 pa sugatan

BINAWIAN ng buhay ang dalawang PDL (persons deprived of liberty) kabilang ang siyang may hawak ng baril, habang sugatan ang limang iba pa, sa insidente ng pamamaril sa loob ng isang selda ng Oriental Mindoro Provincial Jail nitong Martes ng madaling araw, 7 Setyembre. Iniulat sa pulisya ni Prison Guard I Ricky Rom, na dakong 2:00 ng madaling araw kahapon …

Read More »
Cipriano Violago Jr, San Rafael, Bulacan

Alkalde sa Bulacan positibo sa CoVid-19

INIANUNSIYO ni Mayor Cipriano Violago, Jr., ng San Rafael, Bulacan sa kanyang Facebook account na siya ay positibo sa CoVid-19. Ayon sa alkalde, ilang araw na siyang nakararamdam ng flu-like symptoms kung kaya agad siyang sumailalim sa RT-PCR test. Pahayag ni Violago, naka-quarantine na siya simula nang magkaroon ng sintomas pero patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa Municipal Health Office. Aniya, “Sa …

Read More »
Bagac Municipal Police Station, 2nd PMFC Bataan PPO, Northern Police District DDEU

Manyakis ng Bataan, nakorner sa Caloocan

NADAKIP sa pinagtataguan sa Caloocan City ang isang lalaking nakatala bilang top 7 most wanted person ng Bagac, Bataan nitong Lunes, 6 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Joel Tampis, acting provincial director ng Bataan PPO, nagkasa ang magkasanib na puwersa ng Bagac Municipal Police Station (MPS), 2nd PMFC Bataan PPO, at Northern Police District DDEU ng manhunt operation sa …

Read More »