Friday , September 13 2024
Gun Fire

Bagger binaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang bagger makaraang barilin ng hindi kilalang suspek habang nakaupo sa nakaparadang tricycle, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Patuloy na ginagamot ng mga doktor sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Mark Anthony Roque, 33 anyos, residente sa Block 5 Lot 16, Brgy. Longos,sanhi ng tama ng bala sa dibdib.

Lumabas sa pagsisiyasat nina P/SSgt. Diego Ngippol at P/SSgt. Mardelio Osting ng Homicide Section ng Malabon Police, nakaupo sa nakaparadang tricycle sa harap ng Ginto Tube Ice sa Lot 5 Block 16, Brgy. Longos si Roque at naglalaro sa kanyang cellular phone nang lapitan ng suspek na nakasuot ng itim na jacket at saka nagtanong.

Nang tumugon ang biktima, biglang binunot ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang suspek at pinaputukan si Roque na tumama sa kanyang dibdib.

Kitang-kita ng testigong si Benjamin Dorongon, 27 anyos, kasamahan sa trabaho ng biktima, ang pangyayari kaya’t kaagad niyang isinugod sa pagamutan kung saan ito patuloy na inoobserbahan.

Iniutos ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang pagtugis sa suspek habang inaalam ang motibo ng pamamaril. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Arrest Posas Handcuff

800 plus pamilya nawalan ng tahanan
SUSPEK SA SUNOG SA TALABA-ZAPOTE III ARESTADO NA

NAARESTO ng Bacoor police ang isa sa dalawang suspek na responsable sa pagkasunog ng mga …

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …