Thursday , June 13 2024
Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan ng isang submachine gun sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod.

Sa ulat kay QCPD Director, P/Brig. Gen. Redrico A. Maranan, kinilala ang suspek na si Maravilla Castillo, 35 anyos, residente sa Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Unit  (CIDU) Chief, PMaj. Don Don Llapitan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa ilegal na pagbebenta ng suspek ng mga baril na hindi rehistrado sa bisinidad ng Brgy. Greater Fairview, Quezon City at mga karatig barangay.

Agad ikinasa ng CIDU an buybust operation laban sa suspek niotng 15 Mayo 2024 dakong 8:10 pm sa harap ng  Fairview Elementary School sa Austin St., Dahlia, Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

Dinakip ang suspek nang bentahan ng submachine gun na nagkakahalaga ng P9,000 ang pulis na nagpanggap na buyer.

Si Castillo ay sasamphan ng kasong paglabag sa  RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Quezon City Prosecutor’s Office. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

SANKEI 555 Ball Joint

Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555

SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation …

Federation of Free Farmer FFF

Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap 
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA

AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki …

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …