Saturday , July 27 2024
shabu drug arrest

2 tulak dinakip sa P850K shabu

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang pinaghihinalaang tulak makaraang makompiskahan ng P850,000 halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa lungsod.

Sa ulat ni P/Lt. Col.  Robert P. Amoranto, hepe ng Kamuning Polie Station 10, kinilala ang nadakip na si  Riza Verdan, 40 anyos,  residente sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Sa imbestigasyon, dakong 6:30 pm, 15 Mayo 2024, nang madakip ang suspek sa Sct. Santiago St. corner Marathon St., Brgy, Obrero, QC.

Nakompiskahan si Verdan ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.

Samantalang , dakong  11:30 pm nitong Martes, 14 Mayo 2024, inaresto si  Mark Julius Cervantes, 27 anyos, residente sa Brgy. Paltok, SFDM, Quezon City.

Si Cervantes ay dinakip ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa ilalim ni P/Maj. Wennie Ann Cale, makarang makuhaan ng 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …