Monday , June 24 2024
Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira, inaming may naramdaman sa isa’t isa sa shooting ng Chances Are You and I

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

INAMIN ni Kelvin Miranda na na-confuse siya sa naramdaman noon kay Kira Balinger, habang ginagawa nila ang pelikulang Chances Are You and I. 

Sa presscon ng naturang movie na ginanap recently sa Valencia Events Place, sinabi ni Kelvin na totoo ang naramdaman niya kay Kira noong shooting ng kanilang pelikula.

Esplika niya, “Nagpapakatooo lang po ako, na yes totoo ang naramdaman ko noon. Siguro dala siya ng pagmamahal sa ginagawa ko, respeto ko sa direktor ko, at tiwala sa co-actor ko. Totoo na close kami ni Kira, at walang masama doon dahil pinagkakatiwalaan namin ang isa’t isa.

“Then, nangyari ang magic…” 

Wika pa ni Kelvin, “I mean, na-confuse talaga ako noong time na iyon, aminado naman ako. Pero humanap ako ng way para hindi na siya maulit at malagay sa ganoong klaseng sitwasyon.

“Iyon lang po talaga, iyong closeness… sobrang pagiging close namin. Naging komportable kami sa isa’t isa. Iyon ang pinakamasasabi ko na totoo, naging komportable kami sa isa’t isa.”

Diin pa ni Kelvin, “Sino ba namang tao ang hindi makakaramdam, kung sobrang devoted ka. Yes, na-confuse ako sa nangyari, kung totoo ba talaga ang nararamdaman ko, because of my character.

“Pero gusto kong linawin ito, na alam naman ni Kira, na hindi naging kami. Malinaw po na walang ligawan. Iyon lang po ang lilinawin namin, na hindi naging kami.”

Nang usisain naman si Kira kung sa tingin ba niya ay pinaasa lang siya ni Kelvin, ito ang tugon niya, “Honestly no, I don’t believe na pinaasa ako ni Kelvin. I don’t believe that that was ever his intentions.

“Kasi he was just being truthful in his character and like I said a while ago, things happen na hindi natin inaasahan. So, no, I don’t feel na pinaasa ako.”

Nang tanungin pa kung siya ba ay may naramdaman din sa kanyang leading man habang ginagawa nila ang pelikula, nagpakatotoo naman si Kira.

Anang tisay na aktres, “To be truthful din, I can’t lie to you again and mayroong kaunti… Siyempre, very charming naman kasi si Kelvin and like I said a while ago, the nature of our movie is a love story.

“We have to interact in such a way na nakaka-fall talaga.”

Ang Chances Are You and I ay isang romantic comedy-drama hinggil sa pananaw ng dalawang pangunahing tauhan dito na kapwa mayroong sakit na brain tumor.

Kasama rin sa pelikula sina Jin Ho Bai, Tart Carlos, Anne Feo, Gian Magdangal at Al Tantay.

Ang principal photography ng pelikula ay ginawa sa South Korea noong 2021. 

Nabanggit ng direktor nito na si Catherine “CC” O. Camarillo na kahit medyo naantala ang pagapalabas ng movie nila ay sulit naman ang kanilang paghihintay at dapat itong abangan sa mga sinehan.

Bukod sa magandang istorya at ng mga pakilig na mapapanood sa pelikulang ito, impressive ang soundtrack ng pelikula tulad ng Demonyo ni Juan Karlos Labajo at Mapa ng SB19.

Kaya masasabing ginastusan at pinaganda talaga ang pelikulang ito.

Incidentally, napili ang Chances Are You and I bilang isa sa mga Spotlight Entries sa May 25 at 26 sa Jinseo Arigato International Film Festival kaya dadalo sa nabanggit na event sa Japan sina Kelvin, Kira at Direk CC.

Prodyus ng Pocket Media Productions Inc. sa pakikipagtulungan ng Happy Infinite Productions Inc, ang pelikula ay mula sa distribution ng Regal Entertainment Inc.

Mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang Chances Are You and I sa May 29 at ito’y magkakaroon ng red carpet premiere night on May 28 sa SM Megamall.

About Nonie Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

E-Sim TNT

Pag-order ng E-Sim ng TNT mas pinadali at pinabilis

MAGANDANG balita sa mga TNT subscriber dahil mas pinadali nila ang paraan para maka-order ng e-SIM, ito’y …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

The EDDYS Binibining Pilipinas

Binibining Pilipinas tinapatan The EDDYS

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, iyon daw coronation ng Binibining Pilipinas ay gaganapin din sa Hulyo …