Monday , May 16 2022
Tinambangan sa Montalban NEGOSYANTENG BABAE PATAY

Tinambangan sa Montalban
NEGOSYANTENG BABAE PATAY

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang negosyanteng babae, sinabing ang mister ay kaanak ng isang tumatakbong bise alkalde, nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin sa loob ng sasakyan nitong Martes ng umaga, 18 Enero, sa M.H. del Pilar St., Brgy. San Rafael, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal. 

Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng pulisya, ang biktimang si Camille  Camacho, nasa hustong gulang, umano’y asawa ng kaanak ng tumatakbong vice mayor na si Edgardo “Umpek” Sison. 

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 7:40 am kahapon, sakay ang biktima ng minamaneho niyang Toyota Hilux, may plakang MDC 8711, nang biglang pinaputukan nang siyam na beses ng dalawang suspek.

Nabatid, mula sa bahagi ng Eastwood, tinatahak ng biktima ang lugar nang tambangan ng mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng gun-for-hire gang.

Ayon sa saksi, nagpagewang-gewan nang ilang metro ang sasakyan ng biktima hanggang bumangga sa isang puno.

Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong away sa negosyo at itinangging may kinalaman sa politika ang pamamaslang.

Naglatag ng simultaneous checkpoint ang pulisya at tinipon na rin ang mga CCTV camera sa lugar na inaasahang makatutulong sa mabilis na paglutas ng kaso. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

QC jail riot

Biyernes 13: 1 patay, 7 sugatan sa riot na sumiklab sa QC jail

PATAY ang isang preso (person deprived of liberty o PDL) makaraang mabaril habang pito ang …

prison

Nagpanggap na masakit ang tiyan
MOST WANTED NG CEBU UMESKAPO

NAGLUNSAD ng manhunt operation ang mga awtoridad upang muling mahuli ang isang PDL (person deprived …

knife saksak

Tutol sa relasyon ng magdyowang 17-anyos
INA SINAKSAK, NILASLAS SA DIBDIB NG ANAK AT NOBYO

PATAY ang isang 44-anyos ina na sinaksak at nilaslas sa dibdib at sa braso ng …

arrest, posas, fingerprints

Pagtutulak ginawang sideline,
SEKYU TIMBOG, 7 PA NASAKOTE SA ILEGAL NA DROGA

ARESTADO ang isang security guard na nahuling ginagawang sideline ang pagtutulak ng ilegal na droga …

Salvador Ador Pleyto

Gumawa ng kasaysayan sa Bulacan
PLEYTO UNANG KINATAWAN SA BAGONG DISTRITO

GUMAWA ng kasaysayan si Salvador “Ador” Pleyto bilang kauna-unahang kinatawan ng bagong distrito sa lalawigan …