Monday , June 22 2026

Classic Layout

2026 World Slasher Cup 2 Champions

Tatlong Entry Naghari sa 2026 World Slasher Cup 2 Matapos Magtabla sa 8-1 Rekord

TATLONG entry ang itinanghal na kampeon sa 2026 World Slasher Cup 2 matapos magtala ng magkakaparehong 8-1 panalo-talong rekord sa prestihiyosong sabong derby na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Mayo 25. Nagbahagi sa kampeonato ang Lily Dodoy & RAF Mandaragat ni Rudy Peñaridondo, Crowsland/VL-JMT ni Cong. Lawrence Wacnang, at MJ ni Mr. Bank matapos ang mahigpit na kompetisyon na …

Read More »
Editorial

Senado ipungsoy senators pausukan

MARAMI ang nagsasabing dapat ipa-feng-shui ang gusali ng Senado at ‘yung mga senador naman pausukan o isuob para matanggal raw ang kamalasan. Hindi natin alam kung wasto nga bang tawaging ‘minamalas’ o talaga lang walang delicadeza ang mga nakapuwesto ngayon kahit na marami sa kanila ang mataas ang pinag-aralan habang ‘yung iba naman ay aral nang aral lang pero walang …

Read More »
Aksyon Agad Almar Danguilan

Tulog na batas sa Senado, ‘wag isisi sa bagong liderato

AKSYON AGADni Almar Danguilan PAANO na ang mamamayang Filipino? Paano na ang mga nakabinbing batas sa Senado para sa Filipino? Kawawang Juan dela Cruz dahil sa kaguluhan sa Senado, ay naghihintay nang wala mula sa kanilang mga ibinoto na sa kanilang pagkakaalam ay  uunahin sila pero ano ang nasasaksihan natin ngayon, pansariling interes ang prayoridad ng ilan sa mga Senador. …

Read More »
Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha Ponti?  Natawa ako ang daming miron. Simple lang naman ang ibig sabihin niyon. Kung ano ang may taglay siya na kanya lang at walang iba o sinumang pwedeng umangkin. Sa Ingles-innate,  natural, inherent. Isip muna siya. Ang pagiging simple raw niya. Ang titulo ng kanyang album …

Read More »
Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa workshop ng Philstagers ni Atty Vince Tañada sa Blackbox Theater ang premyadong direktor na si Joel Lamangan. Kaya sa kanilang pinaka-recital, kasama ang mga taal ng mga entabladista ng PSF, tinunghayan ni direk Joel kasama ang iba pang mga bata at beterano sa teatro at pelikula ang kanilang mga obra. Dalawang Sabadong …

Read More »
Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa nilang kaso ng child abuse laban kay Rob Sy at sa partner nito. Kamakailan ibinasura ng Manila Prosecutor’s Office ang criminal complain na inihain ng aktor-politiko laban kay Rob at sa partner nito dahil sa walang sapat na ebidensiya. Ayon kina Alfred at Yasmine, maling batas ang …

Read More »
PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay hindi lamang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng pondong suporta para sa pagpapaunlad ng palakasan sa bansa. Binigyang-diin ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy na ang tulong-pinansyal na ipinagkakaloob ng pambansang ahensiyang pang-isports ay may kaakibat na pananagutan. Dahil dito, kinakailangang maiayon ng …

Read More »
Triathlon Philippines Triathlon Japan

Triathlon Philippines at Triathlon Japan, Lumagda sa Memorandum of Understanding para sa Mas Matibay na Kooperasyon

NILAGDAAN ng Triathlon Japan at Triathlon Philippines ang isang Memorandum of Understanding (MoU) noong Mayo 30, 2026, bilang pagpapatibay ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang Pambansang Pederasyon. Nakatuon ang kasunduang ito sa mga programang palitan para sa mga atleta, coach, at mga teknikal na opisyal, mga oportunidad sa pagsasanay, at pakikilahok sa mga bilateral at internasyonal na kompetisyon. Kabilang din …

Read More »
Kiko Dee Alan Cayetano Robin Padilla Mao Aplasca

Cayetano, Padilla, Aplasca inireklamo ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ang grupong Tindig Pilipinas laban kina Senate President Alan Cayetano, Senator Robinhood Padilla at dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca. Inilinaw ni Tindig Pilipinas convenor Francis Joseph “Kiko” Aquino Dee, ang pagsasampa ng kaso ay bunsod ng pangyayari na may mga opisyal ng pamahalaan na maaaring tumulong o nagbigay daan …

Read More »
Cayetano Hataw Ilegal Yan

Ilegal ‘yan – Cayetano

HAYAGANG kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok ng kaniyang mga kasamahan kay Senador Win Gatchalian bilang bagong Senate President Pro Tempore, habang pinaninindigan na siya pa rin ang lehitimong pinuno ng mataas na kapulungan ng Kongreso. ​Sa isang livestream, binigyang-diin ni Cayetano na walang bisa at labag sa Saligang Batas ang ginawang hakbang ng 12 …

Read More »