Sunday , December 14 2025

Blog Layout

TV actor, singer sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ sa Cebu

CEBU CITY – Bunsod ng takot at pressure sa pamilya, sumuko ang dating TV actor at singer na si Jay-R Siaboc sa pulisya sa lungsod ng Toledo, Cebu makaraan ang inilunsad na Oplan Tokhang. Ayon kay Supt. Samuel Mina, hepe ng Toledo City Police, boluntaryong sumuko sa kanilang tanggapan ang dating matinee idol. Sinabi ni Mina, seguridad ang iniisip ni …

Read More »

Misis patay sa sakal ni mister (Ayaw makipagbalikan)

PATAY ang isang  misis makaraan sakalin ng kanyang mister bunsod nang matinding galit nang tumangging makipagbalikan sa kanya kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Samelyn Gonzales, 34, vendor, residente ng Block 10, Lot 37, Phase 2, Area 3, Dagat-Dagatan, Brgy. Longos ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ng mga tauhan ng Malabon City Police ang …

Read More »

Tulak ng droga binistay ng bala

dead gun

BINAWIAN ng buhay ang isang pinaniniwalaang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs ng Manila Police District sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si alyas Loloy, residente sa panulukan ng Elias at Antipolo streets, sa riles ng PNR sa Sta. Cruz, Maynila. Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun ng …

Read More »

6 drug pusher patay, 1 sugatan sa tandem

dead gun police

PATAY ang anim hinihinalang mga drug pusher habang isa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa magkakahiwalay na insidente sa lungsod ng Las Piñas at Pasay kamakalawa. Ayon sa ulat ni Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, ang mga namatay ay kinilalang …

Read More »

Negosasyon himok ng China (Ruling isantabi)

BEIJING – Nagpahiwatig ang China na handa silang makipagnegosasyon sa Filipinas makaraan ang inilabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration na walang basehan ang claim ng Beijing sa pinag-aagawang mga teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea. Ito’y kahit nanggagalaiti ang China sa desisyong inilabas ng Arbitral Tribunal na kanilang tinawag na ‘null and void.’ Ayon kay …

Read More »

Imbestigasyon sa ‘drug killings’ sinopla ni Ping

ping lacson

MASYADO pang maaga para magpatawag ng imbestigasyon ang Senado, sa sinasabing ‘drug killings’ na kamakailan ay iminungkahing isulong ni Senadora Leila De Lima. Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, hilaw o premature ang isinusulong na imbestigasyon ni De Lima dahil walang sapat na datos ukol dito. Ipinaliwanag ito ni Lacson sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila, …

Read More »

Dagdag-seguridad sa bagahe tiniyak ng bagong MIAA GM

UPANG matiyak na ligtas sa ano mang uri g pagnanakaw ang mga bagahe ng mga pasahero, bubuuin ng bagong pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang isang composite team na magsasagawa ng biglaang inspeksiyon sa  mga manggagawa at empleyado na nakatalaga sa baggage build up area. Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, ang planong …

Read More »

Koreana timbog sa NAIA (Nagbaon ng ‘damo’ patungong busan)

INARESTO ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal ang isang Korean national na nahulihan ng 117 gramo ng marijuana nitong Martes. Kinilala ni Senior Supt. Mao Aplasca, bagong director Police – Aviation Security Group (Avsegroup), ang suspek na si Eunho Ahn, 24, isinailalim sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa imbestigasyon. “Nasakote si Ms. …

Read More »

5 narco generals inilagay sa lookout bulletin

NAGPALABAS ang Department of Justice (DoJ) ng lookout bulletin order para sa limang dati at kasalukuyang police generals na inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektor ng illegal drug trade Sa nasabing bulletin order, inatasan ang lahat ng immigration officers na maging ‘on the lookout or alert’ sa mga heneral na sina Joel Pagdilao, Bernardo Diaz, Edgardo Tinio at retired …

Read More »

Duterte naghahanda para sa unang SONA

KINOMPIRMA ng Malacañang na pinaghahandaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 25. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, humihingi pa ng ‘input’ si Pangulong Duterte sa kanyang buong gabinete. Ayon kay Abella, layunin nitong maging mas komprehensibo ang mga sasabihin ng pangulo at mula sa mga tanggapan ng pamahalaan. Matapos …

Read More »