IDUDULOG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ng 40 mangingisdang Filipino na nakapiit sa Indonesia, sa kanilang paghaharap ni President Joko Widodo sa 32nd ASEAN Leaders Summit sa Singapore ngayong linggo. Ito ang tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go matapos salubungin ang 31 mamamalakayang Filipino mula sa Indonesia sa Camp Feranil Naval Station sa Panacan, Davao City …
Read More »Blog Layout
Yelo bumuhos sa Benguet
UMULAN ng mga butil ng yelo sa Atok, Benguet nitong Sabado habang maalinsangan sa ibang bahagi ng bansa. Ayon sa mga residente, nasira ang mga pananim dahil sa hailstorm sa ilang farm at nagkalat ang mga butil ng yelo sa mga kalsada sa Sitio Sayangan, Brgy. Paoay. Nabatid mula sa weather bureau PAGASA, may nangyari nang pag-ulan ng yelo sa …
Read More »PNP kasado na sa 6-month Boracay closure
BORACAY – Nakahanda na ang mga pulis para sa 6-month closure ng isla na magsisimula ngayong Huwebes. Sinabi ni Supt. Cesar Binag, Western Visayas police chief, ang 630-member strong Joint Task Force Boracay ang inatasang magpatupad ng seguridad sa Boracay habang ang isla ay isinasailalim sa malawakang paglilinis at rehabilitasyon. Ayon kay Binag, ang mga miyembro ng task force mula …
Read More »College dean inaresto ng NBI sa ‘sextortion’ (Sa Surigao City)
INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang college dean sa Surigao City dahil sa reklamong ‘sextortion’ ng isang estudyante nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Randy Retulla, inireklamo ng isang 21-anyos lalaking estudyante. Ayon sa reklamo ng estudyante, nagkasama sila ng college dean sa isang hotel noong Disyembre ng nakalipas na taon …
Read More »Buntis patay, 9 sugatan sa van na nahulog sa bangin (Sa Tagkawayan, Quezon)
BINAWIAN ng buhay ang isang buntis habang siyam iba pa ang sugatan makaraan mahulog ang van sa isang bangin sa gilid ng highway sa Tagkawayan, Quezon, nitong Linggo ng madaling-araw. Kinilala ng mga awtoridad ang buntis na si Sagira Haji Ebrehim. Ayon sa mga imbestigador, ang mga biktimang pawang mga residente sa Piagapo, Lanao del Sur, ay patungo sa Maynila …
Read More »Pagkatapos ng maraming dekada… CH Ligaya Santos inasunto ng MMDA sa DILG dahil burara at pabaya sa kanyang tungkulin
SA wakas, pagkatapos ng maraming panahon, sa administrasyon ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay inasunto na rin ang ilang dekadang ‘kapabayaan’ ni Chairwoman Ligaya Santos sa kanyang tungkulin na panatilihing ligtas, malinis at maayos ang lugar na kanyang kinasasakupan kabilang ang pinagpupugayang liwasan na ipinangalan kay Gat Andres Bonifacio. Sinampahan si Ch Santos nitong Biyernes ng kasong administratibo …
Read More »DOJ Sec. Guevarra kontra nga ba sa BI overtime pay?
MATINDI raw ngayon ang tsikahan sa lahat ng sulok ng Bureau of Immigration (BI) main office na isa raw pala si bagong talagang Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga aktibong nag-o-oppose noon para maibalik ang OT pay para sa kagawaran. OMG! Ayon sa ilan nating nakapanayam, noon daw kasagsagan ng balitaktakan sa palasyo ng Malacañang, kasama raw sa grupo ni …
Read More »Pagkatapos ng maraming dekada… CH Ligaya Santos inasunto ng MMDA sa DILG dahil burara at pabaya sa kanyang tungkulin
SA wakas, pagkatapos ng maraming panahon, sa administrasyon ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay inasunto na rin ang ilang dekadang ‘kapabayaan’ ni Chairwoman Ligaya Santos sa kanyang tungkulin na panatilihing ligtas, malinis at maayos ang lugar na kanyang kinasasakupan kabilang ang pinagpupugayang liwasan na ipinangalan kay Gat Andres Bonifacio. Sinampahan si Ch Santos nitong Biyernes ng kasong administratibo …
Read More »2 lalaking umiihi arestado sa droga (Sa pampublikong lugar)
HINULI ang dalawang lalaki habang umiihi sa pampublikong lugar at nakompiskahan ng umano’y ilegal na droga sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw. Nakakulong sa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Jomar Mamaril, 27, at Kevin Ogaya, 27, barker, kapwa residente sa E. Rodriguez St., Brgy. 4, Zone 2, sa nasabing lungsod. Base sa ulat ni …
Read More »Buntis, tiyahin sinaksak ng adik na pamangkin
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 53-anyos negosyante at kanyang anak na buntis makaraan pagsasaksakin ng hinihinalang drug addict na pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang mga biktimang si Melinda Bati, buy and sell agent, at kanyang buntis na anak na si …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com