Sunday , March 26 2023

Sue, ‘di nagpapaligaw sa text

KUNG si Sue Ramirez ang masusunod, gusto nitong ligawan na walang gamit na WiFi dahil doon niya makikita at mararamdaman ang effort ng nanliligaw sa kanya. Tulad ng pag­papadala ng love letter.

Yung pupuntahan ka sa bahay at mag­kakaroon kayo ng oras na mag­kausap ng harapan. 

“Doon pa lang ay makikilala mo na ‘yung totoong ugali ng manliligaw mo. Maganda ‘yun, may effort, ‘di tulad ngayon, puwedeng gawin sa Tweet, Instagram at iba panf social media,” pahayag nito.

Sa grand press conference ng Ang Babaeng Allergic sa WiFi, official entry sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino na ginanap sa Prime Hotel sa Quezon City noong Miyerkoles, August 8 ay inamin ng aktres na naransan nito ang tawagin siyang malandi dahil sa pagsuot ng two-piece sa kanyang pagsi-swimming na na-upload sa kanyang Instagram noong April.

Masaya siya dahil umani ito ng maraming ‘likes’ pero marami rin ang nagsabing malandi siya.

I don’t really think it’s a big deal. I don’t really sexualize my body at all, wala po akong malisyang klase ng tao. It’s just [that] everybody has a body.

“Malandi raw ako kasi naka-two-piece ako. Wow! Okay, sige. Thanks po,” hirit ni Sue.

Ginampanan ni Sue ang karakter ni Norma sa pelikula na talagang nakadepende sa WiFi sa araw-araw nitong pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Sa kasamaang palad ay nagkaroon siya ng allergy sa WiFi kaya kailangan nitong manirahan sa kanyang lola na ginampanan ni Boots Anson Roa na ang lugar ay hindi naaabot ng radio waves na nagpapalala ng kanyang karamdam.

‘Yan ang takbo ng kuwento, kung paano ipagpapatuloy ng bidang babae ang kanyang buhay ng walang WiFi.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

READ: Joey Marquez, tanggap maging manugang si Mark
READ: Boots, nakikipagpalitan ng sweet messages sa text
READ: Anne, handa nang magka-baby

About Alex Datu

Check Also

Lala Sotto-Santiago MTRCB

MTRCB Chair Lala umalis muna para dalawin ang anak sa Amerika

HARD TALKni Pilar Mateo SAGLIT na mawawala sa kanyang desk ang Chairwoman ng MTRCB (Movie and Television …

Arci Muñoz Kim Soo Hyun So Ji Sub Lee Jong Suk Lee Min Ho Song Jung Ki Hyun Bin

Arci wish makapareha sinoman kina Kim Soo Hyun, So Ji Sub, Lee Jong Suk, Lee Min Ho, Song Jung Ki, at Hyun Bin

HARD TALKni Pilar Mateo OPPA na nga lang ang masasabing kulang sa buhay ng isang Arci …

Liza Soberano

 Liza paawa effect, todo hingi ng sorry sa mga taong ‘nasagasaan’

𝙄-𝙁𝙇𝙀𝙓𝙣𝙞 𝙅𝙪𝙣 𝙉𝙖𝙧𝙙𝙤 KUMAMBIYO nang wagas ngayon si Liza Soberano sa recent statements niya. Todo hingi ng …

Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco tagilid sa pakikipagrelasyon kay Cristine

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami sa reaksiyon ng fans doon sa tsismis na madalas …

Liza Soberano

Kampo ni Liza nagda-damage control; Nag-sorry sa ABS-CBN, kay Ogie

HATAWANni Ed de Leon NGAYON maliwanag nang nagda-damage control si Hope, alyas Liza Soberano. Ikinakalat nila ang …

Leave a Reply