Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Ina Alegre, pinagsasabay ang showbiz at public service

NAGAGALAK ang aktres/politican na si Ina Alegre dahil mu­ling nabigyan ng chance na maka-arte sa harap ng camera. Nakapanayam namin si Ms. Ina sa birthday party ni mayor Leandro Panganiban ng Pola, Oriental Mindoro. Si Ina ang vice mayor sa naturang municipality. Pansamantalang nawala siya sa showbiz limelight nang pumasok sa politika at nanalong Vice Mayor. Bago ito, naging beauty queen …

Read More »

Rep. Nograles dapat nang kalusin — TNVS drivers

TULUYAN nang napundi ang libo-libong TNVS drivers kay PBA Party List Koko Nograles dahil sa sinabing patuloy na panggigipit ng mamba­batas sa kanila. Kung dati ay tikom-bibig ang TNVS drivers, ngayon ay inihayag ng TNVS driver leaders na isusulong nila ang de­manda laban kay Nogra­les na siya umanong dahi­lan kung bakit nagka­kawindang-windang ang kanilang kabuhayan. “Dalawang buwan nang wala ‘yang P2 …

Read More »

Chief fiscal sibakin sa $10-M Okada estafa cases

READ: Fiscal sibak sa US$10-M Okada estafa cases READ: ‘Whitewash’ sa Okada case leakage pinalagan READ: Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada) READ: Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada HINAHAMON si Justice Secretary Menardo Gue­varra na panindigan ang kanyang pangako na ibabalik niya ang tiwala ng publiko sa justice sys­tem sa pamamagitan ng pagsibak sa mga …

Read More »

Duterte inatake ng migraine

TINIYAK ng Palasyo na maayos ang kalagayan ng kalusugan ni Pangu­long Rodrigo Duterte. Pahayag ito ng Malacañang matapos ibunyag ng Pangulo na nagsusuka siya sa erop­lano bunsod ng migraine habang nasa biyahe mula sa tatlong araw na official visit sa South Korea pabalik ng Filipi­nas noong Martes ng gabi. Ayon kay Presiden­tial Spokesman Harry Roque, walang dapat na ipag-alala ang …

Read More »

8 Israelis, 482 Pinoys timbog sa Pampanga

ARESTADO sa mga opera­tiba ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang walong Israeli at 482 Filipino sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga dahil sa umano’y panloloko ng multi-milyong dolyar sa mga biktima sa online stock trading scam. Ang walong Israeli, at 232 lalaki at 242 babaeng Filipino ay nadakip sa sabay-sabay na operasyon nitong Martes ng umaga sa …

Read More »

13 Nigerian tiklo sa ‘love scam’

ARESTADO ang 13 Nigerians na sangkot sa “love scam” na binibik­tima ang mga Filipina sa Facebook at dating sites, sa pagsalakay ng mga awtoridad sa Imus, Cavite, kamakalawa. Ayon sa ulat, pinasok ng Imus Police ang bahay ng target ng kanilang operasyon, agad pinada­pa at pinosasan ang mga dinatnang Nigerian na­tionals na ang ilan, natu­tulog pa sa kuwarto. Nagtangka pang …

Read More »

Tapyas sa singil inianunsiyo ng Meralco

electricity meralco

INIANUNSIYO ng Meralco nitong Huwebes ang kani­lang bawas-singil sa presyo ng koryente ngayong Hun­yo. Ayon sa Meralco, tatap­yasan ng P0.15 kada kilo­watt hour (kWh) ang singil sa koryente bunsod ng pagbaba sa presyo ng generation at transmission charges. Anila, posibleng umabot sa P25 ang makakaltas sa bill ng bahay na kumukon­sumo ng 200kWh. Nauna nang nagbawas-singil ang Meralco noong Mayo.

Read More »

Lolo napisak sa natumbang puno sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY, South Cotabato – Bina­wian ng buhay ang isang 59-anyos lalaki maka­raan mabagsakan ng puno ng Balete sa Brgy. San sa lungsod na ito, nitong Miyer­koles ng hapon. Nagbibisikleta ang biktimang si Rogelio Tomis nang tiyempong natumba ang puno dahil sa malakas na hangin at nabuwal sa matanda, ayon sa ilang resi­dente. Idineklarang dead on arrival sa ospital …

Read More »

10-taon kulong vs Intramuros ex-administrator (Sa anomalous property lease)

sandiganbayan ombudsman

HINATULAN ng Sandigan­bayan si dating Intramuros Administration chief Dominador Ferrer Jr., ng anim hanggang sampung taon kulong dahil sa maanomalyang pag-lease sa dalawang government pro­perties ng pribadong kompanya noong 1998. Si Ferrer ay napatunayang guilty sa pagkakaloob ng “unwarranted benefits” sa Offshore Construction and Development Company (OCDC) para sa lease contracts nito sa Baluarte de San Andres at Baluarte de …

Read More »

Diyarista itinumba sa Davao Del Norte

dead gun police

PATAY ang isang mamama­hayag makaraan pagbabarilin sa Panabo City, Davao del Norte, nitong Huwebes. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Dennis Denora, isang diyarista sa Panabo City. Sa inisyal na imbestigasyon, nasa sasakyan si Denora sa kasama ang kanyang driver, nang lapitan at barilin ng hindi pa kilalang mga suspek na naka­sakay sa motorsiklo. Patuloy ang imbestigasyon ng mga …

Read More »