Tuesday , December 16 2025

Recent Posts

Mag-utol timbog sa panloloob sa e-bikes shop

nakaw burglar thief

BULILYASO ang dalawang lalaking mag-utol nang mahuli ng mga awtoridad habang nagnanakaw sa isang e-bikes shop sa Las Piñas City, Lunes ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang mga dinakip na sina Marvin Torion, 22 anyos, at Ricky Torion, 19. Base sa ulat ng Las Piñas City Police, bandang 2:35 am nang mahuli ang mga suspek ilang oras pagkatapos looban …

Read More »

Kinuyog na MMDA enforcers naghain ng reklamo vs riders

MMDA enforcer bugbog kuyog

NAGSAMPA ng kaso ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga nambugbog sa kanilang mga tauhan. Kasong physical injury at direct assault to person in authority ang isinampang kaso kahapon sa Pasay City Prosecutor’s Office ng naturang ahensiya. Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, ang anim na tauhan nilang nabugbog ay sina Jose Zabala, Adrian Nidua, …

Read More »

Bakal na takip ng drainage iniskor
2 BASURERO ARESTADO 

Man Hole Cover

BAGSAK sa kulungan ang dalawang basurero matapos maaktohang tinatangay ang takip na bakal ng daluyan ng tubig sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Nahaharap sa kasong Theft ang naarestong mga suspek na kinilalang sina Troy Maglinas, 21 anyos, at Jamuel Mateo, 18  anyos, kapwa residente sa Dumpsite Sitio 6, Brgy., Catmon ng nasabing siyudad. Batay sa  imbestigasyon nina P/SSgt. Mardelio …

Read More »