Friday , April 19 2024

Ed de Leon

Showbusiness, pinakamaraming bakla at tomboy

    SINASABI nga nila, ang showbusiness daw ang industriya na may pinakamaraming bakla at tomboy, kaya nga siguro sa showbusiness mo rin maririnig ang pinakamaraming reaksiyon sa naging desisyon ng Korte Suprema sa US na nagpapahintulot sa pagpapakasal ng mga bakla saan mang estado na kanilang nasasakupan. Iyan ay sa US lang naman. May 17 iba pang mga bansa …

Read More »

Yoyong, pinangaralan si Kiefer Ravena

TALAGANG nasabit kami sa mahabang pakikipagkuwentuhan kay Yoyong Martirez pagkatapos ng presscon nila niyong No Harm No Foul, na napanood naman siguro ninyo noong Linggo ng gabi sa TV5. Iyong iba kasi nagkagulo sa ibang mga artista, pero kami nga mas pinili namin si Mang Yoyong dahil sa kanilang lahat, siya ang mas beteranong artista at siya rin ang beteranong …

Read More »

Nadine, ‘di na dapat umasang liligawan ni James

PALAGAY namin, hindi na rin dapat umasa iyang siNadine Lustre roon sa love team nila ni James Reid. Iyong fans nila na nag-iilusyon pa rin na totohanan ang kanilang love affair, kailangang tanggapin na ang katotohanan na hindi totoo iyon. Kahit na sinasabihan pa ng kanyang mga manager at ng network si Reid, na iwasan muna ang ibang mga babae …

Read More »

Tunay na ama ni Jiro, ‘di niya nakilala

MAY nagsasabing mukhang mali raw ang treatment ng media sa naging kaso ni Jiro Manio na nakitang pagala-gala sa airport ng apat na araw. May nagsasabing sobra naman daw ang nangyaring coverage lalo na ng telebisyon. Lumabas talaga ang kuwento sa lahat ng estasyon ng telebisyon. Naglabasan din iyon sa mga diyaryo at lalong lumaki ang usapan sa social media. …

Read More »

Pagiging Tisay ni Gerphil, malaking bagay sa pagsikat

SINABI ni Gerphil Flores na nakikipag-usap na raw sa kanya ang mga managers ng international singer at music producer na si David Foster para sa isang trabaho na magkakaroon sila ng collaboration. Ibig sabihin talagang seryoso ang international singer na tulungan ang Pinay. Kung talagang magkakatulungan silang dalawa, malaking bagay ang magagawa niyan para kay Gerphil, depende rin naman kung …

Read More »

Sam Milby, aral na aral ang pagsasalita ng Tagalog

ni Ed de Leon HINDI natin maikakaila, ang kauna-unahang sumikat at naging star dahil diyan sa Pinoy Big Brothers ay si Sam Milby. Instantly, naging star si Sam, tumatakbo pa man ang kompetisyon nila. Sumikat pati ang theme song ng kanilang show, dahil nakaka-identify nga rin iyon kay Sam. Aminin na nilang lahat ang katotohanan, malaki ang nagawa ni Sam …

Read More »

Vhong, Deniece, at Cedric, imposibleng magkasundo

ni Ed de Leon PALAGAY namin, kahit na anong pagsisikap ang gawin ng Judicial Dispute Resolution, o JDR sa kaso nina Vhong Navarro, Deniece Cornejo, at Cedric Lee, wala ring maaabot na kasunduan iyan. Iyang mga ganyang kaso, kailangan talaga sa korte na humantong iyan, bagamat normal na nga iyong Idinadaan iyan sa JDR sa pagbabaka-sakaling maayos pa naman. Pero …

Read More »

Mga nagpapabuhos ng yelo, nakikiuso lang

ni Ed de Leon LAHAT iyong mga Filipino, lalo na mga artista at mga publicity conscious na kinatawan ng gobyerno, nagpabuhos na ng yelo sa sarili nila. Publisidad nga naman iyon para sa kanila. Pero tama ba? Nakalikom na raw ng $70-M iyong foundation ng mga Kano dahil diyan sa ice bucket challenge na iyan, pero kaunti lamang ang apektado …

Read More »

Aktres, nagwala at nag-iiyak dahil kay Herbert!

ni Ed de Leon TALAGANG natawa kami nang kami ang ituro ni Mayor Herbert Bautista sa mga kasamahan naming nag-iinterview sa kanya noong isang araw nang tanungin ang tungkol sa kanyang love life. Dinugtungan pa niyang kami raw ang nakaaalam ng lahat ng mga crushes at niligawan niya noong araw pa. Mabuti na lang hindi niya binanggit na kahit na …

Read More »

Vina, mabigat ang papel na gagampanan sa Bonifacio

ni Ed de Leon NABANGGIT na rin lang si Vina Morales, gagawa siyang muli ng pelikula na isasali sa Metro Manila Film Festival, na muli niyang makakatambal ang naging boyfriend din niya noong araw na si Robin Padilla. Pero wala raw problema iyon sabi ni Robin, dahil ang kanya mismong asawang si Mariel ang pumipili ng kanyang magiging leading ladies. …

Read More »

Apo ni Kuya Germs, wagi ng gold sa Youth Olympic Games

ni Ed de Leon SIGURADO iyan, taas noo lalo ngayon si Kuya Germs (German Moreno). Una, maganda ang ratings ng kanyang sinalihang teleserye. Ikalawa, maganda ang feed mula sa abroad niyong show niya mismo, na kailangan nilang i-replay ng tatlong ulit sa isang linggo dahil sa kahilingan ng mga Filipino sa abroad. Pero siguro nga ang talagang dapat na mas …

Read More »

Pagdating ni Pope Francis sa Tacloban, pinaghahandaan na

ni Ed de Leon HUMARAP ulit sa movie press ang dating aktres na si Cristina Gonzales, na ngayon ay konsehal na sa Tacoloban, Leyte, kasama ang kanyang asawang si Mayor Alfred Romualdez, una para magpasalamat sa lahat ng tumulong sa kanila noong panahon ng kagipitan sa Tacloban pagkatapos silang bayuhin ng bagyong Yolanda. Sinabi ni Mayor na sa ngayon daw …

Read More »

Aktres, ‘wag sanang gumaya sa ginawa ni Robin Williams

ni Ed de Leon DEPRESSION daw talaga ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang actor na si Robin Williams. Nagbigti siya sa sarili niyang tahanan gamit ang isang sinturon. Matagal na raw nagkakaroon ng depression si Williams, pero ang matinding dumating sa kanya ay noong kanselahin ng CBS ang kanyang comedy show matapos lamang ang isang season dahil mababa ang ratings. …

Read More »

Eugene, gagawa pa rin ng pelikula sa star cinema (Bagamat sinasabing natuso raw…)

ni Ed de Leon TAMA ang sinabi ni Eugene Domingo. Kung mayroon man siyang hindi naintindihan sa kontratang pinirmahan niya sa Star Cinema, na sinabi niyang “napakatuso”, kasalanan na niya iyon. At least inamin niyang may pagkakamali rin siya at dahil doon kailangang sundin niya ang sinasabi sa kontrata na sa pagkaka-intindi niya ay tapos na. Ganoon ang lahat halos …

Read More »

Aktor, ‘di naputol ang relasyon kay gay politician

ni Ed de Leon MALAKAS ang loob ng male star sa kanyang laban ngayon, dahil nangako naman pala ng suporta sa kanya ang kanyang lover na gay politician. Nakahanda naman pala iyong sustentuhan siya kaya walang problema. Mali pala talaga ang tsismis noon na nagli-link sa kanya kay direk, hindi naman pala naputol talaga ang relasyon niya kay “sir” eh.

Read More »

Pagkapili kay Robin Padilla bilang host ng Talentadong Pinoy, malaking sugal para sa TV5

 ni Ed de Leon NOONG nagsimula iyang reality show ng TV 5 na Talentadong Pinoy, ipinagmamalaki ng network na ito ang kanilang top rater. Talagang pinag-uusapan naman iyon at maraming nagsimulang mga talent sa nasabing show na nakakuha ng trabaho dahil sa magandang exposure ng show. Natatandaan namin, noong magkaroon sila ng finals minsan na ginanap pa sa Ynares Sports …

Read More »

Privacy ni Derek, dapat irespeto sa demanda ng asawa

ni Ed de Leon PINAG-UUSAPAN ngayon ang demanda ng asawa ng actor na si Derek Ramsay. Isinampa iyon sa RTC sa Makati. Sinasabi sa demanda na hindi raw sinuportahan ni Derek ang kanilang anak na 11-taong gulang na ngayon, at noon pa raw ay tumatanggi si Derek na sabihing anak nga niya iyon. Ilang buwan lang daw silang nagsama matapos …

Read More »

Awards, ‘di mahalaga

INUULIT namin ang aming paniniwala. Hindi mahalaga ang awards, o ang sinasabi ng mga kritiko at mga taong kasama sa press con ng isang pelikula. Ang kailangang makita ay kung kikita ang pelikula para masabing nagustuhan iyon ng mga tao. Maipalalabas ba sa commercial theaters?

Read More »

Solenn, effective endorser (Natural beauty kasi ang ipinakikita)

ni Ed de Leon DUMATING ng walang make-up si Solenn Heusaff noong i-launch siya bilang endorser ng Calayan Surgicentre. Lahat ay nagsasabing maganda raw si Solenn kahit na walang make-up. Ibig sabihin ng mga ganyang comment, successful ang kanyang endorsement. Kasi ang ipino-promote nga niya ay isang bagong facial services ni Dr. Manny Calayan na ipinangalan pa sa kanya. Eh …

Read More »

Aktor, siniraan matapos huthutan

ni Ed de Leon NAAAWA kami sa isang male personality talaga. Kung noong araw ay sinasabing paldo-paldo ang pera niya, ngayon sinasabi ng mga taong close sa kanya na halos wala na raw iyong savings. Bukod sa mahina na talaga ang kita niya ngayon, mukhang nahuthot nang husto ng kanyang syota ang pera niya, at ngayong wala na halos mahuthot …

Read More »

Ate Vi, sobrang humagulgol sa pagkawala ni Aida

ni Ed de Leon HINDI iyak iyon eh, hagulgol halos ang nangyari kay Ate Vi, (Vilma Santos) habang nagsasalita sa necrological service sa huling gabi ng wake ng kanyang confidante na si Aida Fandialan. Nagkukuwento siya kung paano niya nalaman ang pagkawala niyon. Pabalik na raw sila sa Pilipinas mula nga sa London, nagtungo sila ni Senador RalphRecto dahil naghahanap …

Read More »