Friday , May 17 2024

Kris sa digital channel na lang may pag-asang magka-career

PERO sabi naman ng isa naming kausap, hindi namin masasabing ang paniniwala sa kasabihang ”strike while the iron is hot” ay mali.

Isang magandang example, sabi niya ay si Kris Aquino. Mabilis na sumikat si Kris dahil naging presidente ang nanay niya. Nagpatuloy ang  career sa mga panahong ang mga namamayaning politiko ay mga kakampi nila. Noong matapos na ang pagiging presidente ng kapatid niya, nawala na rin ang kanyang career. Wala na rin siyang TV show.

Sabi ng TV5, puwede nilang kunin si Kris pero hindi sa presyong karaniwan niyang hinihingi. Iyang network na iyan na kilala sa pagtataas ng presyo ng mga artista, suddenly hindi kaya ang talent fee ni Kris. Iyong PTV4, nagsabi ring wala silang interest dahil sa mataas ding talent fee. Palagay namin kung noong panahong presidente pa si PNoy, at inutusan ang PTV4 na bigyan ng programa si Kris, baka kahit na magkano ang talent fee, at sabihin mo mang limang oras na show iyon, ginawa nila.

Mukhang ABS-CBN lang talaga ang nagbigay sa kanya ng ganoong pagkakataon, siguro dahil na rin sa utang na loob. Isinara na iyang ABS-CBN, pero ibinalik sa kanila on a silver platter noong maging presidente si Cory Aquino, na nanay ni Kris. Ipinagamit din sa kanila ang mga karapatan niyon ng BBC, oBanahaw Broadcasting Company na na-sequester ng gobyerno.

Sa ngayon, ang nakikita naming pag-asa ni Kris ay kung magiging full-digital na nga ang telebisyon sa 2023. Maaari siyang magbukas ng isang digital channel para sa kanyang show, after all bumili na siya ng ilang equipment na magagamit. Mukhang malabo na siya sa ngayon.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *