Saturday , October 5 2024

Paredes die hard na dilawan, star wars, ‘di pa matitigil

PAKIALAM ko ba sa kapalpakan sa Oscars? Mas pinag-uusapan ng masa ang nangyayaring “star wars” dahil sa politika rito sa Pilipinas.

Mabilis na nagsalita ang dalawang premyado at beteranang mga aktres na sina Vivian Velez at Elizabeth Oropesa sa sinasabi nilang pambu-bully ng retired singer na si Jim Paredes sa mga kabataang sumali sa rally sa EDSA sa kabila ng kakaiba nilang paniniwala.

Sa tingin ni Paredes, binabastos sila ng mga kabataan dahil nagpapakita iyon ng suporta kay Presidente Duterte, ganoong alam naman nating lahat na ang mga nasa EDSA noong araw na iyon ay puro “dilawan” na laban kay Duterte.

Inungkat naman ni Vivian Velez ang mga bagay sanang hindi na dapat maungkat pa dahil namatay na rin naman ang nanay ni Paredes. Pero dahil naungkat na rin lang, sabihin na natin kung ano iyon. Iyong nanay ni Paredes na si Ester Jimenez ay kabilang sa isang samahan ng mga subersibo noong panahon ng martial law na tinawag na Light a Fire Movement. Sila iyong naniniwala na kailangang gumamit ng karahasan para mapatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sila rin iyong sinasabing nagtanim noon ng mga bomba sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, kabilang na iyong bombing sa Philippine Plaza na nadesgrasya naman ang singer na si Nonoy Zuniga at naputulan ng paa.

Nahatulan ng military tribunal noon si Ester, kasama ang kanyang ikalawang asawang si Othoniel Jimenez, at iba pang kasangkot sa Light A Fire Movement. Kamatayan ang hatol sa kanila, pero hindi iyon naipatupad agad. Inabot sila ng coup d’etat na tinawag nilang EDSA Revolution, at pinalaya ni Presidente Cory Aquino ang lahat ng mga political prisoner kabilang na iyong mga nasa Light a Fire Movement, kahit na nga sabihing may mga namatay din dahil sa kagagawan nila.

Ang punto ni Velez, ano iyong mga sinasabi ni Paredes na pagpatay sa mga inosenteng tao dahil sa laban sa droga, eh iyong nanay niya ganoon din ang ginawa noong araw.

Si Oropesa naman, ang sinasabi lang ay mali ang ginawang pambabastos sa mga kabataan. Pero iyong mga kabataan namang iyon ay binigyan pa ng pagkilala dahil sa ipinakita nilang katapangan at hinahon kahit na sinalakay nga sila ni Paredes.

Iyang si Paredes naman kasi ay “die hard na dilaw”. Unang EDSA pa lang nariyan na iyan. Siya pa ang gumawa ng kantang Magkaisa. Eh kasi nga iyong nanay niya ay nasa isang kilusang makakaliwa noong una pa man. Kung iyong nanay niya gustong patalsikin si Marcos sa kahit na anong paraan, eh ano pa ba ang magiging kaisipan niya?

Pero mabuti naman at natigil na roon sa tatlo. Hindi na umapela ang ibang stars na identified kay Presidente Digong. Hindi na rin kumibo iyong ibang mga artista pang dilawan. Kung sa bagay, mukhang ang naiwan na lang sa kanila ay sina Leah Navarro, Cynthia Patag, at si Jim nga. Nanahimik na sina Dingdong Dantes at Ogie Alcasid. Ni hindi nga sumipot sa EDSA si Ogie samantalang dati siya ang naging chairman ng committee roon.

Pero iyang “star wars” na iyan dahil sa politika sa ating bansa, hindi pa matitigil iyan. Hindi pa matatapos ang kampihan. Dumarami kasi ang mga artistang nagkakaroon ng posisyon sa gobyerno. Iyong mga wala nang trabaho sa showbiz at medyo retired na, iyang mga iyan ang pumapasok na sa politika at trabaho sa gobyerno. Eh wala naman kasing ginagawa ang industriya kundi mga indie na hindi naman kumikita.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Piolo Pascual Rhea Tan Beautéderm

PIOLO PASCUAL NAGPAKILIG SA MEET AND GREET SA BEAUTÉDERM HQ,  
Ms. Rhea Tan nagdiriwang ng 15 taon sa negosyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Ultimate Heartthrob ng bansa na si Piolo Pascual ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *