Thursday , June 4 2026
Julia Barretto

Julia Barretto hinangaan, nagustuhan ng mga Indonesian

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKATUTUWA naman ang nabalitaan namin na tuwang-tuwa raw ang fans kay Julia Barretto sa Indonesia dahil nagsasalita iyon ng Bahasa. Para sa mga taga-Indonesia basta ang isang tao ay marunong ng kanilang wika gusto nila. Hindi ba si Teejay Marquez din kaya sumikat sa Indonesia nang husto ay dahil napag-aralan niya ang salitang Bahasa.

Ang pagkakamali ni Teejay, sikat na siya sa Indonesia, umuwi pa siya rito sa PIlipinas, nakulong siya ng pandemic at hindi na nagawa ang mga proyektong dapat ay nagawa niya sa Indonesia. Medyo lumamig ang popularidad niya roon dahil matagal nga siyang nawala, pero mas ok siya roon kaysa naman sa mga ginagawa niyang gay themed movies dito sa atin na hindi naman maipalabas sa sinehan. Iyong pelikula nga niyang nailabas ng ilang araw lang last week, mga limang taon nang naka-imbak ang pelikulang iyan na ang producer ay ang dati niyang manager at isang manufacturer ng underwear. Hindi rin naman nag-click.

Kaya iyang si Julia, kung totoo ngang nagustuhan siya ng fans sa Indonesia, hindi kaya niya naisip na roon na muna siya lumagi, kasi tiyak doon superstar ang dating niya higit siyang maganda kaysa mga artistang naroroon. Makakukuha siya ng isang malakas na leading man baka nga mas maging malaking star siya roon kaysa rito.

Rito kasi sa atin, ang dami niyang kalabang mahuhusay at isa pa hindi maiiwasang ikompara siya sa mga tiyahin niyang mas sumikat at mas magaling kaysa kanya.

Kung kami si Julia siguro iisipin na naming sa Indonesia na muna kami.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …