Saturday , February 24 2024
Dragon Lady Amor Virata

Pebrero 1, sentensiyado na ang unconsolidated na mga jeepney

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

KOLORUM  na ang mga unconsolidated na mga jeepney na bibiyahe sa mga kalsada at nabigong makipag-kooperasyon sa mga kooperatiba at mga kompanya ang mga operators at drayber na hindi nag-aplay ng konsoludasyon ng kanilang prangkisa.

Hanggang katapusan na lamang bibiyahe ang mga unconsolidated jeepney, pero pahihintulutan pa rin ang mga ito na mag-aplay pero mananatili silang kolorum habang hindi nag-aaplay.

Sa ilang jeepney operators na ating nakapanayam, mabigat para sa kanila ang halagang ibabayad sa panibagong prangkisa nito dahil ito ang inaasahan nilang bumubuhay sa kanilang pamilya. Itago natin sa pangalang Mang Pedring na dalawa lang umano ang kanyang jeep at ang boundary fee na binibigay ng kanyang jeep ay para sa pag-aaral ng kanyang dalawang anak sa kolehiyo. Iba naman ang drama ni Aling Lucia, na ayon sa kanya binili nila ang may limang taon nang jeep nila at nagbayad ng mahal sa prangkisa nito para pantawid-gutom at pag-aaral ng kanyang limang anak.

Iba-ibang drama ang maririnig sa mga drayber at operators. Subali’t bingi ang pamahalaan sa kanilang hinaing. Hindi pipi, sa halip ay lalong lumalakas ang boses ng gobyerno para ituloy ang kanilang mga plano! “Paano na kami?” tanong ng nasabing Ale.

Kaugnay nito, abangan na lang natin ang pagwawala ng mga apektado pero teka, tila may banta ng malawakang protesta ang grupo ng MANIBELA, pero ayon sa impormasyon higit na mas marami ang bilang ng mga nag-aplay na kesa sa hindi nag-aplay kaya ganoon na lamang ang pagpupursige ng gobyerno!

About Amor Virata

Check Also

Krystall herbal products

Asthmatic na businesswoman pinaginhawa ng Krystall products,

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Magandang araw po …

Mr DIY Feat

Connecting Hearts through MR.DIY Acts Of Kindness
A 3-leg CSR Milestone Celebration in Panglao Bohol

Volunteers took part in planting mangrove seedlings along Doljo’s Coastal area, marking the initial phase …

Vape Smoke

Vape company ipinasasara ng Kamara

NANAWAGAN ang Kamara de Representantes sa Securities and Exchange Commission (SEC),  sa Department of Trade …

FESSAP

FESSAP-APUG 3×3 Philippines didribol sa Marso 15-17

IPINAHAYAG ng One Dream Sportsman, sa pamumuno ni basketball coach Dr. Norman Afable, ang pagdaraos …

SM, DOTr, break ground for EDSA Busway

SM, DOTr, break ground for EDSA Busway concourse
Commuters to have safer, more convenient transportation

SM Prime Holdings Inc., in partnership with the Department of Transportation (DOTr), led the groundbreaking …