Tuesday , July 8 2025
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Tara na, kita-kits!
FGO LIBRENG SEMINAR NGAYONG ARAW NA PO

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Sa ating mga tagatangkilik, mambabasa, at tagasubaybay ngayong araw na po, Miyerkoles, March 29, ang ating libreng seminar.

Parapo sa lahat na tumatangkilik ng produktong Krystall at sa mga nais matuto at magdagdag ng kaalaman ng ating gamotan (natural healing) ang FGO Foundation po ay may libreng seminar  ngayong araw, Miyerkoles, March 29, sa VM Tower-727 Roxas Blvd., corner Airport Road, Brgy. Baclaran, Parañaque City mula 1:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon.

         Halina’t dagdagan ang inyong kaalaman kung paano pangalagaan ang inyong kalusugan mula sa kalikasan.

         Tara na, Kita-kits!

Caregiver gustong makapunta

sa libreng seminar pero naka-duty pa

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Mula nang mabasa ko ang tungkol sa libreng seminar, gustong-gusto ko pong pumunta, pero nandito po ako sa San Ildefonso, Bulacan at nagtatrabaho bilang caregiver, kaya sana maibahagi rin sa livestream ng inyong programang Kalusugan Mula sa Kalikasan sa DWXI 1314 AM para akin pong masubaybayan.

         Ako po si Rizza Maniquis, 42 years old, isang caregiver, naninirahan sa Las Piñas City, pero kasalukuyang nagtatrabaho sa San Ildefonso, Bulacan.

         I-share ko lang po, ako ay nag-aalaga ng isang 78 years old retired Fil-Am dito sa San Ildefonso, Bulacan. Kung tutuusin po ay malakas pa naman siya ngunit labis siyang pinahihirapan ng kanyang anxieties and depression.

         Dahil po may edad na siya, tumanggi na ang kanyang pamilya na painumin ng mga anti-depressant pills ang kanilang ina, at naghanap na lang sila ng mag-aalaga, at makakasama na isang “jolly person.”

         At ‘yun nga po ang trabaho ko, bukod sa pag-aalaga ay kuwentohan siya ng masasayang pangyayari. O kaya naman ay panoorin ng mga pelikulang nakatatawa, kapag nagsawa, tiktok naman.

         Pero ang natuklasan ko sa kanya, nagustohan niya ang ginawa kong paghahaplos ng Krystall Herbal Oil sa kanyang balikat, sa bandang neck, sa braso, sa binti, at pagkatapos ay babalik sa ulo.

         Napakalaking tulong po, dahil nakikita ko kung paano siya ma-relax, hanggang makatulog, at kinabukasan ay nagigising na kay ganda ng aura ng kanyang mukha.

         Bilang caregiver, kasiyahan ko na pong makitang masaya at magaan ang pakiramdam ng aking inaalagaan.

         Akala ko, ako lang ang nakapansin, ‘yun pala napapansin na rin ng kanyang mga anak na parang bumabata ang kanilang ina, gumaganda ang kanyang ngiti at higit sa lahat nawala ang dryness ng kanyang skin.

         Tinanong ako kung ano raw ba ang lotion ng mommy nila, ay sabi ko, “wala pong lotion, KRYSTALL HERBAL OIL po ang inihahaplos ko kay, lola.”

         Kaya hayun, gusto na rin nilang gumamit ng Krystall, at mukhang magkakabonus pa po ako ngayong summer. Ay ang happy ko po talaga.

         Thank you Sis Fely dahil sa inyong imbensiyon na miracle oil — ang Krystall Herbal Oil, ay maayos ang kalagayan ng aking alaga at nasisiyahan ang kanyang mga anak sa aking serbisyo para sa kanilang ina.

         God bless you po.

RIZZA MANIQUIZ

Las Piñas City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Fyang Smith Dingdong Bahan

Pagpunas ng laway ni Fyang sa mukha ni Dingdong ‘di nagustuhan ng netizens

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ng netizens ang ginawa ng Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner na …

BINI James Reid

James Reid-BINI collab isa sa pinakamalakas na hiyawan sa OPM Con 2025

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DUMAGUNDONG at talaga namang hindi magkamayaw ang mga fan ni James Reid at …

BINI Gary V Alagang Suki Fest

Unilab at Mercury Drug ipagdiriwang 80 taon; P-Pop at OPM stars kasama sa Alagang Suki Fest 2025

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKABIBILIB ang katatagan at kahusayan ng Unilab at Mercury Drug. Kasingtagal na sila ng …

SM Foundation KSK 1

Farmers plant their way to financial security through backyard gardening

For years, many Filipino farmers have been unable to break the cycle of debt and …

TAKBO PARA SA PANTAY NA KARAPATAN FEAT

TAKBO PARA SA PANTAY NA KARAPATAN: Awareness Run for Persons with Disabilities (10K, 5K, & 3K or 1K WALK)

TAKBO PARA SA PANTAY NA KARAPATAN: Awareness Run for Persons with Disabilities (10K, 5K, & …