Monday , November 29 2021
MMFF, IATF, Movie, Cinema

Laban-laban, bawi-bawi sa mga sinehan panira

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAS marami ang umaasa na magiging mas maganda na ang MMFF (Metro Manila Film Festival) sa taong ito kaysa noong mga nakaraang taon, na hanggang sa internet lamang sila kaya lalong hindi kumita. Ngayon medyo bukas na nga ang ilang sinehan, dahil pinapayagan na, ‘with restrictions.”

Pero ang problema, sino naman ang makabubuo ng isang mahusay na pelikula sa loob ng natitirang panahon para sa MMFF, at walang nakasisiguro kung ang sinehan ay muli na namang ipasasara ng IATF kung tumaas ang bilang ng covid. Problema ng mga negosyante sa IATF iyang, ”laban-laban, bawi-bawi” nilang decision maski noon pa man eh. Kaya kahit magbukas pa ang sinehan, wala pa ring producers na kumikilos. Isipin mo nga naman mamumuhunan ka ng pinakamababa eh, P30-M, tapos mayayari ka lang ng desisyong ”bawi-bawi.” Hindi naman kagaya iyan ng mga pelikulang indie at bomba sa internet na P300K lang, ayos na at ang bayad sa artista ay barya lang na pambili ng chippy, ayos na.

Hindi uusad ang industriya ng pelikula habang ”laban-laban, bawi-bawi” ang sistema ng IATF.

About Ed de Leon

Check Also

Mother Lily Monteverde Erik Matti

Direk Erik iginiit, bioflick ni Mother Lily tuloy

I-FLEXni Jun Nardo TULOY pa rin ang paggawa ng bioflick ni Mother Lily Monteverde. Ito ang …

Isko Moreno Joven Tan

Yorme: The Isko Domagoso Story ‘di pang-election campaign

I-FLEXni Jun Nardo ITINANGGI ni presidentiable Manila Mayor Isko Moreno na ginawa ang pelikulang Yorme: The Isko Domagoso …

Mystery Man Gay

Ibini-build-up na matinee idol mas type maging impersonator

HATAWAN!ni Ed de Leon  “MANIWALA ka sa akin Tito, he’s gay,” sabi ng isang male star tungkol sa isang …

James Reid

James babalik ang kasikatan ‘pag nagpa-sexy

HATAWAN!ni Ed de Leon HOY mukhang bumalik na ang porma ni James Reid. Kung noong mga nakaraang buwan …

Heart Evangelista Sharon Cuneta

Sharon ‘di naka-score kay Heart

HATAWAN!ni Ed de Leon KALOKOHANG sabihin na dumapa ang serye ni Heart Evangelista dahil sa pagpasok ni Sharon …