Tuesday , August 9 2022
Raymond Bagatsing, Direk Lester Dimaranan, Mon Confiado
Raymond Bagatsing, Direk Lester Dimaranan and Mon Confiado

Nelia ni Winwyn unique

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

UNIQUE. Hindi siya iyong typical story ng Filipino movies na napapanood natin.” Ito ang iginiit ni direk Lester Dimaranan ukol sa kanyang kauna-unahang full length movie na Nelia

Ang Nelia ay mula sa A and Q Films Production, Inc., na ang istorya ay umiikot sa misteryo ng hospital room 009 na lahat ng pasyenteng naa-admit ay namamatay. Isang Nurse sa ospital, si Nelia (na ginagampanan ng global beauty queen at Kapuso actress na si Winwyn Marquez), ang susubok na mabunyag kung ano ang lihim sa likod ng pagkamatay ng mga pasyente ng Room 009.

Isinulat ni Atty. Melanie Honey Quiño Marquez, ang screenplay ng Nelia ay 15 years in the making ayon kay Direk Lester. ”Matagal nang naisulat ito ni Atty. Honey, 15 years ago pa. Actually, naalala ko, noong nilapitan ako ng A and Q para gumawa ng pelikula, iba dapat ‘yung gagawin namin noon eh. ‘Tapos, nag-pandemic. Naayos na namin lahat para sa production ng pelikulang iyon tapos biglang nag-lockdown. So, nilapitan ako ni Atty. Honey, ipinakita sa akin ‘yung synopsis ng ‘Nelia,’ and doon na nag-start ‘yung pagbuo namin sa pelikula.”

Sinabi pa ni Direk Lester na kakaiba sa panlasa at mga nakasanayang tema ng pelikulang Filipino ang Nelia. ”Suspense thriller siya, maraming aabangan ang manonood. Maraming turn ng events na ‘di mo aakalaing ganoon pala, ganyan pala. Psychological ‘yung movie kaya ‘yung effect sa manonood, psychological din. ‘Yung twists talaga, ‘yung akala mong ito ‘yung mangyayari magugulat ka na hindi pala,” sambit pa ni Direk Lester.

Ang Nelia ang natatanging pelikula na suspense thriller kaya kaabang-abang sa 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF). 

“Malaki ang pasasalamat namin sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), organizer ng MMFF dahil isa kami sa napili nilang pelikula this year. Napakalaking bagay po nito sa amin, sa A and Q dahil nabibigyan ng pag-asa ang mga baguhan at indie filmmakers na tulad namin na makapasok sa mainstream. Sana ay suportahan ng ating mga kababayan ang mga pelikulang ipalalabas sa MMFF this year, lalong-lalo na ang ‘Nelia,’ dahil ito po ang pagbabalik natin sa mga sinehan ngayong pandemic,” dagdag pa ni Direk Lester.

Ang Nelia ay mapapanood sa December 25 sa mga piling sinehan sa buong Pilipinas. Bukod kay Winwyn, kasama rin dito sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Ali Forbes, Shido Roxas, at Juan Carlos Galano.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Imee Marcos FAMAS

Senator Imee nag-uwi ng FAMAS award

ISA na namang pabolosong weekend na puno ng nostalgia at good vibes sa pinakabagong vlogs …

Cloe Barreto Sean de Guzman The Influencer

Sean at Cloe bibida sa The Influencer 

MATABILni John Fontanilla MAPAPANOOD ang isa sa pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon, si Sean De …

maid in malacanang

Maid in Malacanang pinalakpakan ng mga manonood

MATABILni John Fontanilla SAKSI ang inyong lingkod sa dami at ‘di mabilang na taong nanood …

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Miguel Tanfelix Ysabel Ortega

Relasyong Miguel at Ysabel makokompirma sa Aug 29

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na sa August 29 ang telecast date ng GMA at Quantum Films’ first joint TV venture …