Wednesday , July 24 2024
Paolo Contis
Paolo Contis

Paolo iwasan ang padalos-dalos na desisyon

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

ANAK ng dating pari si Paolo Contis. Paring Italyano na nadestino sa Pilipinas. 

Noon pa namin alam ang impormasyon na ‘yan buhat sa dalawang katoto namin sa panulat na naging co-teachers ng ina ni Paolo na Pinay. Teachers sila sa isang language school for missionaries na gustong matuto ng Tagalog o kung ano pa mang lengguwahe sa Pilipinas. 

Inter-church Language School ang pangalan ng special school na nasa likod ng Pantranco bus terminal na malapit sa Roosevelt Avenue, QC. 

Estudyante nila ang naging ama ni Paolo na si Renato Soru Contis. Jean ang pangalan ng teacher na naging ina ni Paolo. Umalis sa pagiging missionary priest ang tatay ni Paolo para pakasalan ang ina nito. 

Kahit kailan ay never nabanggit ni Paolo na dating pari (o missionary) ang ama n’ya na yumao sa cancer noong 2010. Inilihim kaya ‘yon ng pamilya n’ya? 

Nang sabihin namin sa isang film producer na napaka-religious na dating pari ang ama ni Paolo, ang feeling n’ya ay may kinalaman doon ang ugali ni Paolo na mang-iwan ng karelasyon, kasal man sila o hindi.

At sa tunog ng mga interbyu na nabasa namin noong yumao ang ama ng aktor, ‘di naman ito hiwalay sa ina ni Paolo. 

Kung may “pattern” na nga si Paolo ng pang-iiwan, sana ay maisip n’yang komunsulta sa isang behavior specialist para mabago n’ya ang mindset at ‘di siya magpadalos-dalos na magkaroon ng bagong karelasyon. 

At mga babae, huwag magpadalos-dalos na ma-in love sa napakaguwapong si Paolo.

About Danny Vibas

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa  pagpapa-sexy ay …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Nora Aunor Maricel Soriano Alden Richards

Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards

ni ROMMEL GONZALES TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the …

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *