Thursday , December 9 2021
I Left My Heart in Sorsogon Cast
I Left My Heart in Sorsogon Cast

Cast ng bagong serye ng GMA ine-enjoy ang Sorsogon

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

SINUONG na ng mga kasama sa cast ng I Left My Heart in Sorsogon ang napakahabang biyahe patungo sa Kabikulan, matapos ang ilang araw ding pamamalagi sa EDSA Shangri-la Hotel para sa kanilang quarantine.

Ginugugol ng mahusay na singer at aktres sa enrablado, TV, at pelikula na si Isay Alvarez ang mga break niya sa pagyo-yoga.

At si Rey ‘PJ’ Abellana naman, na gagampanan ang karakter ng ama ng bida na si Heart Evangelista, bilang si Patricio ay in-enjoy ang view mula sa bago nilang tinutuluyang hotel habang isinasapuso ang mga linya para sa serye.

Kasama sa cast sina Richard Yap, Kyline Alcantara, Paolo Contis, Mavy Legaspi, Shamaine Buencanino, Aubrey Miles, Elizabeth Oropesa at marami pa. 

Ang romance-drama na isinulat ni John Roque mula sa direksiyon ni Mark Sicat dela Cruz ay isu-shoot sa palibot ng Sorsogon.

About Pilar Mateo

Check Also

Paolo Valenciano Samantha Godinez

Paggawa ng bagong baby nina Paolo at Samantha naunsiyami

HARD TALKni Pilar Mateo  “T HE whole 2020 was a blur!  Nangyari ba talaga ito?” ang nasabi ng …

Angelo Carreon Mamay

Angelo Carreon Mamay, pinarangalan bilang Outstanding Youth Leader of the Year

ALAM MO NA!ni Nonie V. Nicasio PINARANGALAN kamakailan sa 3rd Laguna Excellence Award si Angelo Carreon Mamay, bilang …

Blind Item, excited man

Aktor kinababaliwan, pero ‘di maitago ang pagiging Reyna ng Malate

HATAWANni Ed de Leon NAGSISIKAP si male star na itago ang tunay niyang pagkatao, kasi sa panahon nga …

Yorme manalo-matalo win-win ang industriya

HATAWANni Ed de Leon MAGANDA iyong sinabi ni Yorme Isko Moreno, na kung siya raw ay hindi mananalong …

Vilma Santos

Ate Vi tututukan ang pagpo-produce, industriya ibabangon

HATAWANni Ed de Leon DESIDIDO si Ate Vi (Congw. Vilma Santos) na magbalik na nga sa showbusiness. Babalikan niya …

Leave a Reply