Wednesday , July 24 2024
#BrigadangAyala: Pormal nang sinimulan ng AC Health ang pagtatayo ng kauna-unahang dedicated cancer specialty hospital ng bansa nitong 22 Hulyo 2021. Ang pasilidad na mayroong 100-bed capacity ay tatawaging Healthway Cancer Care Center at ito ay inaasahang matatapos sa Hulyo 2023. (L-R: Chairman of Zodiac Medical Advisory, Dr. Gary Lorenzo, President and CEO of Zodiac Health Ventures, Inc., Nona Ong, FTI Vice President, JB Trinidad, Taguig City Mayor, Hon. Lino Cayetano, President and CEO of AC Health, Paolo Borromeo, DOH Secretary Francisco Duque and Ayala Corporation President and CEO, Fernando Zobel de Ayala.

AC Health itinayo na, #BrigadangAyala naghandog ng 1,000 flu vax sa Taguig (Kauna-unahang PH dedicated cancer specialty hospital)

PORMAL na sinimulan nitong Huwebes ng AC Health ang pagtatayo ng Healthway Cancer Care Center, ang kauna-unahang dedicated cancer specialty hospital sa bansa.  Ang investment na ito ay naaayon sa pagpapalaganap ng “improved healthcare” ng AC Health para sa mga Filipino.

Dumalo sa ceremonial groundbreaking event sina Taguig Mayor Lino Cayetano, Department of Health (DOH) Secretary Francisco T Duque III, at Ayala Corporation’s President and CEO Fernando Zobel de Ayala.  

Ang 100-bed Healthway Cancer Care Center ay tugon ng Ayala Group sa Cancer Control Act (RA 11215) na nagbibigay ng pahintulot sa mga nasa pribadong sector na magtayo ng cancer specialty hospitals at clinics.

Noong 2020, mahigit 150,000 cancer cases ang naitala sa bansa; 90,000 Pinoys ang pumanaw dahil sa cancer, itinuturing na 2nd leading cause of death sa Filipinas.

Inaasahang matatapos ang pasilidad sa taon 2023 at magbibigay ng iba’t ibang serbisyong gaya ng cancer screening, diagnosis, treatment, at post-cancer care.

Katuwang ng AC Health ang Varian-CTSI na may mahigit 100 hospitals, clinics, at physician groups worldwide. Nagbibigay rin sila ng dekalidad na clinical services at solutions sa abot-kayang halaga.

“Cancer is a critical public health problem with an enormous impact on patients, the families, and the healthcare system at large. There is an urgent need to develop sustainable solutions. We need to increase awareness of the disease through patient education, improve the timeliness of diagnosis through rigorous screening programs, and minimize out-of-pocket cancer expenses through affordable cancer care,” ani Fernando Zobel de Ayala, Chairman of the Board ng AC Health. 

“We are optimistic that the enactment of the NICCA law and various cancer care initiatives of the DOH will help reduce the burden of the disease. Now more than ever, there is a need to provide better avenues for cancer patients to seek consultation and treatment. We are delighted that AC Health will be establishing the first specialized hospital for cancer in the Philippines,” pahayag ni Sec. Duque.

Sa tulong ng Healthway Cancer Care Center, mas mapapalawak ng AC Health ang kanilang mga pasilidad at serbisyo kagaya ng Healthway Clinics, Qualimed Hospitals, Generika Drugstores, IE Medica and MedEthix, at HealthNow mobile app. 

Kasabay ng nasabing groundbreaking ceremony ay pormal na ibinigay ng AC Health bilang tugong nito sa #BrigadangAyala ang 1,000 flu vaccine doses sa Lungsod ng Taguig.

“With the donation of the flu vaccines through the #BrigadangAyala, we are optimistic that we will be able to lessen the burden of influenza, amidst the CoVid-19 pandemic. We target to administer these vaccines for our priority beneficiaries namely, the Philippine National Police, Traffic Management Office, Barangay Health Workers, Bureau of Fire Protection and other frontliners,” ani Mayor Lino Cayetano.  

“The Taguig City Government has always been an advocate in promoting healthcare for their constituents and many Filipinos in need. Their various programs, from cancer care initiatives to vaccination efforts, are a testament to their commitment to provide quality and accessible health services. The Ayala Group is delighted to support the City of Taguig in its efforts to protect the health of its constituents,” dagdag ni AC Health President & CEO Paolo Borromeo. 

Simula pa lamang ng pandemya ay masigasig nang nakikipagtulungan sa DOH, IATF, at LGUs ang AC Health. Nakapagtayo na rin ito ng mega-isolation facilities at testing labs nationwide.

Dagdag riyan ang mahigit 193,000 CoVid-19 doses simula 13 Hulyo 2021 na-i-rollout ng Ayala Group sa iba’t ibang LGUs at partner companies.

Ang #BrigadangAyala ay sama-samang pagtugon ng mga kompanya ng Ayala Group sa pagpapahayag sa halos dalawang siglong commitment sa national development sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng social development at corporate social responsibility initiatives – mula disaster relief and response, public education assistance, championing of social enterprises, public health advocacy, atbp.

About hataw tabloid

Check Also

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Jennlyn Mercado Beautederm Rhea Tan 2

Jennylyn sobrang nagpapasalamat  maging parte ng Beautederm family

MATABILni John Fontanilla SA wakas ay nagsalita na si Jennylyn Mercado kaugnay sa bali-balitang lilipat ito sa ABS …

Jennlyn Mercado Beautederm Rhea Tan

Jennylyn nawindang sa diamond bracelet at Hermes bag na regalo ni Ms Rhea Tan

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Huwebes, opisyal na inilunsad si Jennylyn Mercado bilang endorser ng …

Krystall Herbal, Rider

Krystall Herbal Oil proteksiyon ng rider laban sa pawis habang umuulan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

Ruffy Biazon iRespond Muntinlupa

Safety is just a tap away — Biazon   
iRESPOND INILUNSAD NG MUNTINLUPA CITY

PARA matiyak ang mas mabilis na pagtugon sa panahon ng sakuna, inilunsad ng Muntinlupa ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *