Thursday , December 11 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo, Janus del Prado, Julia Barretto, Gerald Anderson
Bea Alonzo, Janus del Prado, Julia Barretto, Gerald Anderson

Janus binanatan si Gerald: Nagpapapogi para sa bagong show

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAG-REACT si Janus del Prado sa ginawang paghingi ng sorry ni Gerald Anderson doon sa internet show ni Boy Abunda at nagsabing sana ay mapatawad na siya ni Bea Alonzo. Dinugtungan iyon ni Gerald na, “sana maka-move on na lahat.”

Ang punto lang naman ni Janus, kung talagang sincere ang paghingi ng apology ni Gerald, hindi dapat ginawa in public. Dapat nag-effort siya na makausap si Bea at humingi ng dispensa ng personal. Paano mo nga naman masasabing sincere ang ganoong apology na parang ginawa lang naman for publicity?

Initially ang reaksiyon namin doon nang mapanood sa video na ipinadala sa amin, dahil hindi naman kami nanonood ng mga program sa internet eh, mukhang ginawa lang ni Gerald para kahit na paano ay mabawasan ang masamang impact ng mga pangyayari sa kanilang dalawa ni Julia Barretto. Mukhang hindi umepekto ang kanilang damage control eh. Kasi ang una nilang ginawa, para mapasinungalingan ang “ghosting,” itinago nila ang kanilang relasyon. Pagkatapos nang mahigit isang taon, napilitan din silang aminin dahil ang dami namang nakakakita sa kanila. Lumabas na isang taon ding mahigit na binola nila ang mga tao. Pinagmulan iyan ng malaking eskandalo. Kung natatandaan ninyo ang dalawang tiyahin ni Julia na sina Gretchen at Claudine ay nagpahayag ng simpatiya kay Bea. Kung natatandaan din ninyo, iyon ang naging mitsa ng lahat kaya nagka-umbagan pa sa mismong burol ng tatay nila at sa harap pa ni Presidente Digong. Nasundan pa kinabukasan ng isa pang umbagan na naging dahilan naman para isugod pa sa ospital si Claudine, na nagkaroon ng dislocation sa kanyang braso.

Iyong simpleng issue na iyan, lumaki nang husto at wala silang inamin doon. Tapos ngayon nga naman hihingi ng sorry at sasabihing tutal naka-move on na rin naman ang lahat?

Iyon ang medyo pinuna ni Janus, na dinugtungan pa niyang magkakaroon daw yata ng bagong show kaya naglilinis ng image. Para sa kanya, mukhang hindi sincere ang apology. Si Janus ay malapit na kaibigan ni Bea at natural doon siya kakampi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Nijel de Mesa Direku figurine

Direk Nijel de Mesa at NDM execs, todo-celebrate sa 25th anniversary launch ng “Direku” figurine!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA na namang milestone ang nagawa ng NDMstudios nang ilunsad …

Chelsea Ylore Ramon Tulfo Raffy Tulfo

Ramon Tulfo umalma sa pa-BI ni VMX Chelsy Ylore

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI ang naloloka sa naging rebelasyon ng isang VMX star na si Chelsy Ylore na …

Derek Ramsay

Derek halata pagkalungkot sa selebrasyon ng kaarawan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-CELEBRATE ng ika-49th birthday si Derek Ramsay last December 7, 2025. Sa napanood …

Ina Raymundo xmas tree

Christmas Tree ni Ina Raymundo hinangaan ng netizens

MATABILni John Fontanilla PINUSUAN ng mga netizen at kapwa artista ang napakaganda at classic Christmas …

Angeline Quinto Ang Happy Homes ni Diane Hilario

Angeline tinutukan kapatid na naligaw ng landas

RATED Rni Rommel Gonzales MABAIT at matulungin sa kapwa ang papel ni Angeline Quinto bilang si Diane …