Thursday , December 7 2023
Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Alex Jazz, Calix
Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Alex Jazz, Calix

Dennis full support sa bday ng anak ni Jen

HATAWAN
ni Ed de Leon

TEENAGER na pala ang anak nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Bale 13 years old na pala si Alex Jazz. Masaya naman ang naging celebration niyong bata kasama ang nanay niyang si Jen, ang boyfriend niyon ngayong si Dennis Trillo at anak nito sa dating girlfriend na si Carlene Aguilar, si Calix.

Marami ang pumuna na wala ang tatay ng bata, si Patrick. Pero maski naman noong mga nakaraang panahon, nakakasama naman ni Patrick ang kanyang anak, hindi nga lang siya sumasabay sa mga okasyon. Siguro nga para sa kanya, hindi naman iyong okasyon ang mahalaga kundi iyong nagkakasama sila.

Isa pa, kapapanganak lang ng asawa niyang si Nikka at ang isinilang niyon ay ang unang anak nilang lalaki matapos ang tatlong babaeng nauna. Siguro nga nababaling ang atensiyon ni Patrick sa kanyang bunsong pinangalanan nilang Enrique Pablo.

Isa pa umiiwas na rin siguro si Patrick na masabing pumapapel pa siya eh, nandoon na si Dennis.

Napakahirap nga ng ganyang sitwasyon. Hindi mo nga masasabing magka-away sina Jen at Patrick pero hindi naman natin maikakaila na nagkaroon ng problema nang magbuntis noon si Jennylyn. Tumanggi nga kasi si Patrick na masyadong bata pa naman noon na magpakasal kay Jen, kahit nasa city hall na sila ng Makati para pakasal sa huwes.

Nahalata raw kasi ng judge na parang hindi pa decided talaga si Patrick kaya pinayuhan silang ipagpaliban na muna ang pagpapakasal. Medyo ok na naman ang kanilang kasunduan na may kinalaman kay Jazz, pero siyempre ang isa’t isa ay umiiwas muna na mas magkaroon pa ng friction.

Mukhang wala namang problema iyong bata dahil tanggap na noon na parang tumatayong tatay na niya si Dennis. Kung matutuluyan ngang magpakasal sina Dennis at Jen, naroroon ang posibilidad na i-adopt na legally ni Dennis si Jazz. Maaari ring i-adopt ni Jen legally si Calix, para ang dalawang bata ay hindi magkaroon ng problema sa kanilang mamanahin mula sa kanilang mga magulang pagdating ng araw.

About Ed de Leon

Check Also

Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Karla may pakiusap: tantanan, ‘di nakatutulong sa paghilom ng kanilang sugat 

REALITY BITESni Dominic Rea ISANG fake news ang pinasinungalingan ni Karla Estrada patugkol sa kanya kamakailan. Simula …

Piolo Pascual Mallari

Piolo lalong gumagwapo kapag nalalasing

REALITY BITESni Dominic Rea HABANG pinagmamasdan ko si Piolo Pascual sa grand mediacon ng kanyang latest film …

Andrea Brillantes Daniel Padilla Gillian Vicencio

Daniel-Andrea-Gillian mahaba pang usapin

REALITY BITESni Dominic Rea NANAHIMIK na ang dalawang kampo. Mukhang chapter closed na nga ang …

Mel del Rosario Alden Richards Sharon Cuneta

Mel del Rosario ibinuking ang sarili: ‘di type si Alden 

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAGULAT ang Cineko Productions nang tinanggap ni Alden Richards ang Family of Two na pagbibidahan nila ni Sharon …

blind item

Fans ni biglang sikat na hamonadong aktor iginiit malaking exposure ng idolo

I-FLEXni Jun Nardo ILUSYONADO rin ang fans ng isang biglang sikat na  hamonadong aktor pero matagal na rin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *