Thursday , June 4 2026

Toni, balik-Pinoy Big Brother

MULING bumati si Toni Gonzaga ng masayang araw sa Pilipinas at sa buong mundo dahil babalik siya bilang host ng ika-siyam na season ng Pinoy Big Brother (PBB) ang, PBB Connect kasama sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo.

Ibinalita ang pagbabalik ni Toni nitong Nobyembre 2 at agad siyang binigyan ng task ni Kuya na ibunyag ang Big 4 Balita tungkol sa show sa livestreaming app na Kumu, kabilang na ang pagbabalik nina Bianca at Robi bilang kanyang co-hosts.

Sumabak na agad si Bianca noong Nobyembre 3 sa KUMUnect Tayo Audition Show kasama si ABS-CBN head of entertainment production Lauren Dyogi, na limang aspiring housemate ang nakatanggap ng golden star at pasok sa susunod na round ng audition. Makakasama rin sa digital show na ito sa Kumu si Robi.

Ayon kay Toni, nakatanggap na rin ng 144,947 audition entries ang PBB sa Kumu, na pinakamalaking naitala sa kasaysayan ng sikat na reality show. Sa bilang na ito, 3,053 ang nakapasa na sa audition–1,715 ay galing Luzon, 592 ang mula sa Mindanao, 520 ang galing sa Visayas, at 226 naman ay nagmula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Hanggang Nobyembre 11, Miyerkoles na lang ang online auditions sa Kumu.

Para sa huling Big Balita, may espesyal na livestream ang PBB Connect sa Biyernes (Nobyembre 6), 8:00 p.m.tampok ang ex-housemates ni Kuya.

Hangad ng #PBBKUMUnectSaPagtulong na makalikom ng pondo para matulungang makabangon ang mga biktima ng bagyong Rolly. Puwede ring mag-upload sa Kumu ang viewers ng video (1 minuto ang haba) para magbahagi kung paano sila tutulong sa kapwa na makaahon sa buhay. Ilan sa mga video ay ipalalabas sa livestream sa Biyernes.

Hangarin ng ABS-CBN at ng Kumu na magbigay pag-asa at pagtibayin pa ang koneksiyon ng mga Filipino lalo na ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng PBB Connect.

Subaybayan ang mga paparating na ganap sa loob ng bahay ni Kuya sa Kumu, A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN Entertainment Channel, at sa mga opisyal na social media account ng PBB.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …