Friday , September 30 2022

Korina, ‘di mapipigil sa paghahatid ng mga kuwento

MASUSUBAYBAYAN kong muli ang isa sa paborito kong Journalist sa telebisyon na si Korina Sanchez.

Alas kuwatro tuwing Sabado ng hapon pala eh, mapapanood na ang Rated Korina na ipino-produce ng Brightlight Productions na parte sina Atty. Joji Alonzo at Patricia “Pat-P” Daza sa TV5.

Palagian namang interesante ang mga paksang tinatalakay ni Korina sa kanyang programa kaya nga naging habit-forming na ito sa bawat household. Lalo na kung horror at suspense ang ibabahagi niya sa manonood.

Bunga ng malalimang saliksik sa mga paksa, para ngang mahirap na pigilan si Korina na magpatuloy sa paghahatid niya, hindi lang ng balita kundi ng mga kuwento sa bawat tahanan.

Kaya, nang humarap si Korina sa mga piling press in a mediacon, hindi naitago ang excitement nito sa kanyang pagbabalik at sa pagkakataong ito, sa TV5.

Inunahan na nga noon ng mga balita ang paglipat niya ng estasyon. Pero nanahimik muna ang premyadong brodkaster.

Wala namang masamang tinapay kay Korina at sa Kapamilya. Dahil maayos naman siyang nagpaalam dito. Tumitingin si Korina sa positibong ibubunga ng muli niyang pag-alagwa sa telebisyon. Dahil kaakibat nito ang mga adbokasyang isinusulong niya sa pagtulong sa mas marami pang mga tao. Lalo pa’t marami ang nawalan ng trabaho sa pagkawala ng prangkisa ng naturang network.

Kakaiba at sabihin ng hindi ordinaryo ang mga istoryang nakakalap ng kanyang mga staff para maghatid ng tututukang palabas sa madla.

Pilar Mateo

About Hataw Tabloid

Check Also

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

KathNiel nakipag-bonding sa fans; 11th anniversary ipinagdiwang

REALITY BITESni Dominic Rea PRESENT sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa katatapos na 11th anniversary  ng kanilang loveteam na …

Donita Rose Ferson Palad

Donita Rose ikinasal na sa long time boyfriend 

MATABILni John Fontanilla IKINASAL na ang aktres at former MTV Asia VJ na si Donita Rose sa kanyang  long-time …

Jhassy Busran Kathniel Sylvia Sanchez.

KathNiel fan wish makatrabaho si Sylvia

RATED Rni Rommel Gonzales IDOLO ng teen female star na si Jhassy Busran ang premyadong aktres na …

Leave a Reply