Thursday , April 25 2024
coco martin ang probinsyano

Ang Probinsyano, magtatampok ng mga Hollywood actor

PARA nga siguro magkaroon naman ng mapapanood na bago, sinasabi nila ngayon na may mga Hollywood actor na kukunin para lumabas sa Ang Probinsiyano ni Coco Martin. Mas tamang sabihin na iyan ay Probinsiyano ni Coco dahil malayo na iyan sa ginawa ni FPJ maliban sa titile.

Natural show nila iyan, kung ano man ang inaakala nilang makapagpapalakas ng show nila dahil apat na taon na iyan eh, magagawa nila. Hindi lang namin alam kung sino ang sinasabi nilang Hollywood actor. Kagaya kaya ni Brad Pitt, o Leonardo DiCaprio, o mga maliliit na artistang Kano lang? In the first place, wala na ngang Hollywood ngayon eh. Lahat ng pelikula nila, “off-Hollywood” movies na ang tawag.

Kung kami ang tatanungin, mayroon kaming objections diyan sa mga bagay na iyan. Una, napakarami nating mga artistang Filipino na walang trabaho. Bakit natin kukunin ang mga dayuhan eh kaya namang gawin ng mga Pinoy ang trabaho. Galit na galit tayo roon sa mga Tsino na pumapasok dito sa atin at nagtatrabaho sa off shore gambling, tapos magpapapasok tayo ng Kano roon sa trabahong kaya ng Pinoy? Isa pa, iyan bang mga artistang iyan ay may working visa sa Pilipinas? Nakahanda man lang ba silang magbayad ng equity sa pagta-trabaho nila rito?

Kung kukuha rin lang kayo ng mga jobless na Kano, ibigay na sana ninyo ang trabaho roon sa mga jobless na Pinoy.

Iyang ratings ng isang show, nakadepende iyan sa kung sino ang bida, at sa takbo ng istorya, hindi roon sa mga kinukuhang pampalabok lamang sa show. Maski sa pelikula nga ganyan noong araw eh, kukuha ng isang artistang hindi naman sikat, o kaya ay laos na. Tapos bobolahin tayo rito na isang malaking Hollywood star ang mapapanood. Huwag na lang.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *