Saturday , April 27 2024

Teresa COP sinibak ni Gen. Bato

SINIBAK sa puwesto ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang chief of police ng Teresa PNP na si C/Insp. Richard Ganalon, makaraan mahulihan ng P200,000 halaga ng shabu ang isa niyang tauhan.

Personal na nagtungo sa Teresa PNP si Dela Rosa at sinermonan ang nadakip na si PO1 Fernan Manimbo, 33, ng Brgy. Bravo, Gen. M. Natividad, Nueva Ecija, at nakatalaga sa Drugs Enforcement Unit ng nasabing pulisya.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ni Ma-nimbo.

Nadakip si Manimbo, dakong 1:00 am kamakalawa sa Carissa-1 habang idine-deliver ang 20 plastic sachet ng shabu sa isang Jojo Paniel, alyas Tisoy, na nakatakas sa operasyon.

Kasabay nito, iniutos ni Dela Rosa kay PNP Internal Affairs Service (PNP-IAS) Insp. Gen. Atty. Alfegar Triambulo, na madaliin ang proseso ng summary dismissal proceedings laban kay Manimbo para mapatalsik sa  serbisyo.

Iimbestigahan  din ng pulisya ang posibilidad na “buhay pa” ang Amin Buratong drug syndicate.

Nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP) ang drug lord na si Amin Boratong, itinuturong nasa likod ng shabu tiangge sa lungsod ng Pasig.

(ED MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *