Marcos tunay na sundalo — Jurado
Hataw Tabloid
August 18, 2016
Bulabugin
DEAR Sir:
Kung hindi ko pa nabasa ang kolum ni G. Emil Jurado sa Manila Standard na may petsang Agosto 17, 2016 at may pamagat na “Law and the greater good” ay may konting bahid na agam-agam ako na tunay nga bang sundalo si dating Pangulong Marcos?
Ayon sa kolum ni G. Emil Jurado tunay ngang sundalo si Marcos dahil ang dalawang kapatid niyang si Willie at Desi Jurado, ang makapagpapatunay na sundalo nga si Marcos na may ranggong Major. Nakita mismo ni G. Emil Jurado si Marcos sa Camp Spencer, Luna, La Union kung saan ang dalawa niyang kapatid ay kasama nito at doon sila nagkukuta.
Ngayon meron pang nabubuhay na witness na siyang makapagpapatunay na sundalo nga si Marcos. Nasaan ngayon mga taong nagsasalita na fake na sundalo si Marcos?
Bago kasi maniwala alamin muna kung saan nanggagaling ang balita kung ito ay anti-Marcos, haters of Marcos o Aquino lovers? Siyempre hahadlangan nila ang lahat huwag lamang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayun sumugod na sa Supreme Court. Abangan natin ang kahihinatnan ng kanilang mga oral arguments.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap