Thursday , June 4 2026

Pekeng Dok kalaboso sa panghahalay

HINDI  lang mga sindikato ng droga ang nakakaramdam ng init, isang linggo bago maupo si incoming President Rodrigo Duterte dahil pati ang mga sangkot sa ibang krimen ay isa-isa nang nalalaglag sa bitag ng batas gaya ng isang hayok sa laman na inaresto ng pulisya sa Lungsod ng Caloocan ngayong linggo.

Sinampahan ng kasong panghahalay at sexual assault si Jose Norlito Fruto na naaresto sa Caloocan nitong Hunyo 16, taon kasalukuyan matapos sampahan ng reklamo ng biktimang batang lalaki.) )

Si Fruto ay inihabla sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code hinggil sa sexual assault o panghahalay.

Isinilbi rin kay Fruto ang isang warrant of arrest dahil sa pagpupumiglas at pagtangging maaresto nang isailalim sa kustodiya ng pulisya sa nasabing lungsod.

Napag-alaman, hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Fruto sa paglabag sa batas.

Siya ay nauna nang naaresto ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagpapanggap na isang doktor, kasama ng kanyang alalay na nagngangalang James Irvin Tarampi.

Ang dalawa ay inaresto noong 2013 sa isang entrapment operation ng NBI sa isang clinic sa Caloocan City, nang magreklamo sa nasabing ahensiya ang biktimang may sakit sa puso na si Elena Roque Pascual.

Nagpakilala umano ang nasabing suspek bilang isang espesyalista sa puso o cardiac specialist.

Kapag napatunayang nagkasala sa kasong sexual assault, si Fruto ay hahatulan ng pagkakakulong sa loob ng dalawampu hanggang apatnapong taon sa piitan.) )

Mariin ang pangako ni incoming president Rodrigo Duterte na pipilayan niya nang husto ang kriminalidad sa loob ng anim na buwan sampu ng tinatawag na “zero-tolerance approach” sa mga alagad ng batas.

Hinilling din niya sa papasok na Kongreso na ibalik ang pagpataw ng parusang bitay sa mga kriminal na sangkot sa ilegal na droga, sindikatong gun-for-hire at maging ang mga mapapatunayang gumawa ng karumaldumal na krimen gaya ng mga rapist, holdaper at karnaper na pumatay ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …