Thursday , June 4 2026

P.1-M ecstacy nasabat sa QC

UMAABOT sa P100,000 halaga ng party drug na “ecstacy” ang nakompiska ng pulisya sa buy-bust operation sa Quezon City, nitong Martes ng madaling-araw.

Nakuha ang 65 tableta ng droga mula sa hinihinalang drug pusher na sina Lilia Ong, 65, at Neil Songco, 47-anyos.

Hinihinalang gawain ng mga suspek ang magsuplay ng droga sa mga gimikan sa lungsod.

Tinatawag na “twin hearts” ang mga pulang tabletang nakompiska sa mga suspek. Isa itong uri ng ecstacy na sinasabing nakapagpapagana sa pakikipagtalik, at nagkakahalaga ng P1,500 kada piraso.

Iginiit ng mga suspek na ngayon lang sila nagbenta ng droga at lumang stock na nila ang ecstacy.

Aalamin ng mga awtoridad kung may mga personalidad na maaaring konektado sa mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …