Thursday , June 4 2026

Retiradong parak, patay nang mahagip ng kaanak ni Pacman

GENERAL SANTOS CITY – Kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide ang isa sa kamag-anak ni Senator-elect Manny Pacquiao makaraan mapatay sa bundol ang isang retiradong pulis sa minaneho niyang motorsiklo.

Kinilala ang biktimang si retired SPO4 Angel Clerino, residente ng Lanton, Apopong, habang ang suspek ay si Marcelo Pacquiao.

Sa imbestigasyon ng Makar Police station, nagkasalubong ang dalawang kapwa lulan ng motorsiklo sa national higway ng Brgy. North kaya’t nahagip ang paa ng biktima na ikinaputol nito.

Sinasabing nakainom si Marcelo nang mangyari ang insidente.

Binawian ng buhay ang dating pulis ilang sandali makaraan dumating sa ospital.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa mabilis ang takbo ng dalawang motorsiklo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …