Wednesday , December 7 2022

4 patay sa salpukan ng bus at tricycle (Sa Iligan City)

CAUAYAN CITY, Isabela – Agad binawian ng buhay ang apat katao makaraan magsalpukan ang isang tricycle at pampasaherong bus sa Brgy. Alibagu, Iligan City kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Leonardo Ander, 39; Elmer Ignacio, 29; Marlito Manalo, 39, at Jerome Galasingao, 33, pawang residente ng Ilagan.

Batay sa imbestigasyon ng Ilagan PNP, nabangga ng isang Florida bus ang isang tricyle.

Ang nasabing bus ay minamaneho ng isang Joseph Pasaraba, 50, residente ng Santa Maria, Lal-lo, Cagayan.

Binabagtas ni Pasaraba direksyon patungong timog ng highway nang biglang umagaw sa linya ang kasalubong na tricycle.

Dahil dito, nagkaroon ng ‘head-on collision’ na naging sanhi nang agarang pagkamatay ng mga biktimang pawang pasahero ng tricycle.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa insidente.

About Hataw News Team

Check Also

knife saksak

Pera pinagtalunan ng mag-asawa
BABAE KRITIKAL, MISTER PATAY SA SARILING SAKSAK

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos saksakin ang sarili habang sugatan ang kinakasama …

Covid-19

Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang …

Riding-in-tandem

Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM

DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos …

Rodolfo Azurin Jr Sofronio Capitle Jr PNP

Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay

BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis …

MMDA, NCR, Metro Manila

MMDA clearing ops umarangakada na

MAHIGIT 30 sasakyan ang nahuli sa isinagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Leave a Reply