Wednesday , December 7 2022

Sen. Poe, Roxas nag-concede na

NAG-CONCEDE na sa presidential race sina Sen. Grace Poe at Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa kanilang pagkatalo sa katatapos na halalan.

Sa press conference kahapon ng madaling-araw, sinabi ng senadora, ginawa niya ang lahat na makakaya, lumaban nang malinis at patas kaya wala siyang pinagsisihan kahit na nabigo.

Binati ni Poe si Duterte at nangako ng pakikiisa para sa ‘paghihilom’ ng bayan.

Ayon kay Poe, ang kanyang concession ay hindi nangangahulugan nang pagsuko kundi kanyang iginagalang ang resulta ng halalan at ang pinili ng taong bayan.

Pagkilala rin aniya ito sa sistema ng demokrasya.

Tinanggap na rin ni Mar Roxas ang pagkatalo sa halalan.

Sa kanyang pag-concede kahapon, binati niya si Davao Mayor Rodrigo Duterte.

Pumapangalawa lamang si Roxas na may higit 9 million votes.

Sinabi ni Roxas, hangad niya ang tagumpay ni Duterte dahil ang tagumpay ng alkalde bilang pinuno ay tagumpay rin ng buong sambayanan.

Nanawagan ang presidential candidate na simulan na ang pagbubuo sa bansa na nahati kasunod ng kampanya, galangin at tanggapin ang pasya ng taong bayan.

Samantala, sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV, inirerespeto niya ang desisyon ng taong bayan sa katatapos na halalan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng senador na hindi siya magiging sagabal sa ano mang repormang ipatutupad sa bansa, kung para ito sa ikabubuti ng lahat.

Malinaw aniya na gusto talaga ng nakararami ang pamumuno ni Mayor Rodrigo Duterte, kaya kanya itong igagalang.

Gayonman, magpapatuloy aniya siya sa kanyang adbokasiya bilang senador upang manatili ang check and balance sa pamahalaan.

Matatandaang una nang nag-concede ang sinusuportahang presidentiable ni Trillanes na si Sen. Grace Poe.

Sa kabilang dako, tinanggap rin ni Senador Chiz Escudero ang kanyang pagkatalo sa vice presidential race, sinabi niyang iginagalang niya ang pasya ng nakararami ngunit mas nais niyang manalo ang kanyang kababayan na si Leni Robredo ng Liberal Party.

Nananatiling gitgitan ang labanan nina Robredo at Senador Bongbong Marcos.

About Hataw News Team

Check Also

Motorcycles

Bata isinasama sa pagnanakaw
MAG-ASAWA TINUTUGIS SA ‘MOTORNAPPING’

KASALUKUYANG pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang babae at isang lalaki na may kasamang bata …

Money Bagman

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund …

High-rise housing projects BLISS

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang …

Sonny Angara Money Senate

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national …

120622 Hataw Frontpage

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa …

Leave a Reply