Wednesday , December 7 2022

Digong Bongbong nanguna (Sa Comelec unofficial, partial result, Lim, Malapitan umarangkada kontra sa kalaban)

NANGUNGUNA si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential elections, base sa partial and unofficial results mula sa transparency server ng Commission on Elections.

Sa inisyal na canvassing, nakakuha si Duterte ng 9,039,620 boto.

Habang si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nangunguna sa vice presidential race na nakuha ng 7,223,906 boto, kasunod si Camarines Sur Representative Leni Robredo, 6,469,046.

Si Duterte ay sinusundan ni independent senator Senator Grace Poe, 5,141,531.

Si administration standard bearer Mar Roxas ay pangatlo sa botong 4,256,268; pang-apat si Vice President Jejomar Binay, 2,631,595; si Senator Miriam Santiago ay panglima sa botong 821,381; at si yumaong Congressman Roy Señeres ang pang-anim at panghuli sa botong 11,021.

 Sa vice presidential race, sina Marcos at Robredo ay sinusundan nina Senators Alan Peter Cayetano, 2,729,464; Francis Escudero, 2,301,509; Antonio Trillanes IV, 383,282; at Gringo Honasan, 334,362 ayon sa pagkakasunod-sunod.

Binigyang-diin ni PPCRV Communications Head Anna De Villa, hepe ng PPCRV Command Center Operations, “no conclusions or trends” ang maaari nang ilabas mula sa partial result na ito.

“Matagal pa po ito,” aniya.

Sa partial and unofficial results ay hindi pa kabilang ang resulta mula sa local and overseas absentee voting.

Sa Maynila, umarangkada si Mayor Alferdo Lim sa botong 325, 178 kontra sa pumangalawang si Joseph Estrada sa botong 162,677.

Sa ulat mayroong 992,891 ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa Maynila.

Malapitan landslide sa Caloocan

HINDI nakuhang talunin si incumbent Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan sa Caloocan City, ng kanyang katunggaling si Enrico Recom Echiverri, kahit pa sinabing dinala ng Iglesia ni Cristo (INC).

Base sa resulta ng Comelec halos kalahati ang lamang ni Oca kay Recom.

Maging ang buong Team Oca lumamang sa kanilang kalaban.

Isa lamang ang ipinakikita ng naging resulta ng naturang halalan, maliwanag sa mga taga-Caloocan na may mga nagawang maganda si Malapitan para sa ikauunlad ng kanilang lungsod, kaya muli nilang iniluklok si Oca bilang alkalde.

Nadama ng mga taga-Caloocan na sadyang “Tao ang Una” kay Oca, at handang maglingkod nang tapat sa kanyang nasasakupan.

Iisa rin ang naging hangarin ng mga mamamayan ng Caloocan, ang magtuloy-tuloy na makilala ang Caloocan sa buong bansa na mayroong pinakamagandang record sa kasaysayan ng iba pang lungsod.

Nagpasalamat si Malapitan sa mga taga-Caloocan na nagbigay sa kanya ng tiwala upang muli niyang mapag­lingkuran.

“Salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala,” ani Mayor Oscar Malapitan.

About Hataw News Team

Check Also

Money Bagman

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund …

High-rise housing projects BLISS

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang …

Sonny Angara Money Senate

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national …

120622 Hataw Frontpage

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa …

dead gun police

Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN

AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng …

Leave a Reply