Tuesday , November 29 2022

Mar Roxas sinira kinabukasan ng kabataan (Gaya sa MRT)

BISTADO na si Mar Roxas na sumira sa bumagsak na pre-need industry kaya hindi makabayad ang mga kompanyang katulad ng Loyola Memorial Plans o College Assurance Plan (CAP) sa mga planholder.

Nagalit si dating Securities and Exchange Commission Perfecto “Jun” Yasay nang narinig niyang sinabi ni Roxas sa presidential debate na ipinaglaban umano  niya ang pre-need industry.

Aniya, “isang malaking kasinungalingan!”

Sa panayam sa dwIZ, inilinaw ni Yasay na samakatuwid, sadyang sinira ni Roxas ang pre-need industry dahil dating nagtatrabaho si Roxas para sa AIG, isang Amerikanong kompanya na nagbebenta ng life insurance.

Dahil sa imbensiyon ng mga Pinoy na educational plan, isang modelong gawa ng Filipino at hindi ng mga Amerikano, natalo ng mga educational plan corporation tulad ng Loyola at CAP, at naging mas malaki ang kita ng pre-need kaysa life insurance company.

Nabatid na  mas gustong ilaan ng mga Filipino ang pera nila sa pag-aaral ng kanilang mga anak imbes sa kanilang sariling buhay. Kaya hindi life insurance kundi educational plan ang pinag-iiponan at pinaggagastusan nila.

Pero wala umanong pakialam si Roxas sa buhay ng mga Filipino, “isang manhid na burgis,” mas kinampihan niya ang life insurance company kaya nasira ang buong industriya ng pre-need o educational plan.

Ginawa umano ni Mar sa pamamagitan ng ilang opisyal ng SEC, pinalitan ang requirements ng mga pre-need at iginaya ito sa life insurance.

Ngunit malaki umano ang pagkakaiba ng pre-need at life insurance – ang bumibili ng edu-cational plan ay para sa anak na siguradong hindi magka-college bukas kundi sa 15 taon pa, samantala ang life insu-rance holder ay maaaring mamatay kinabukasan ang plan holder.

Dahil sa ginawang pagbabago ng regulasyon ng educational plan o pre-need industry, isa-isang nagsibagsakan ang kompanya ng mga educational plan.

Unang bumagsak ang CAP at ang ginawa ni Roxas ay pinalabas na ang nasabing kompanya ang may kasalanan kaya hindi mabayaran ang edu-cational planholders.

Pero pagkatapos bumagsak ng CAP, bumagsak din ang Prudential, ang All Asia Plans, ang PET Plans, at marami pang iba, ang pinakahuli ay Loyola. Hindi maaaring lahat ng mga kompanya ay nanloloko gaya ng bintang ni Roxas sa CAP.

Lumalabas na hindi CAP ang may kasalanan kung kaya hindi nabayaran ang mga planholder kundi si Roxas na itinuturong puno’t dulo kaya bumagsak ang pre-need industry at hindi na nabayaran ang mga kawawang magulang na ipinasok ang lahat ng ipon para lamang makapag-aral ang mga anak nila.

Gaya sa MRT, sinira din niya ang pre-need industry kaya nasira ang kinabukasan ng libo-libong kabataan ngunit nabigo dahil hindi sila nabayaran ng mga kompanyang pre-need.

“Ang kawawang planholders ng educational plans ay wala nang magawa. Pero alam na kung sino ang dapat magbayad sa mga hindi mabayaran ng mga pre-need company: ang pangalan niya ay Mar Roxas,” diin ni Yasay.

(BS)

About Hataw News Team

Check Also

DILG BIDA

24,000+ drug personalities naaresto sa bagong BIDA

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos, …

Bongbong Marcos face mask

Sa FM Jr., admin
PH NASA TAMANG DIREKSIYON — OCTA SURVEY

 MAYORYA ng mga Pinoy ay naniniwala na ang bansa ay patungo sa tamang direksiyon sa …

fire dead

67-anyos Lolo patay nang mabagok habang lumilikas sa sunog

ISANG 67-anyos lolo ang patay nang mabagok habang lumilikas nang masunog ang ilang tahanan sa …

duterte gun

DOH isali sa gov’t anti-drug campaign
HUSTISYA SA BIKTIMA NG EJKs SA DUTERTE DRUG WAR ISINUSULONG

HINDI dapat kalimutang bigyan ng hustisya ang libo-libong biktima ng patayan sa madugong drug war …

112922 Hataw Frontpage

 ‘Intel funds’ sa civilian agencies nais putulin ng Senador

IGINIIT ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang posibilidad na amyendahan ang Administrative Code …

Leave a Reply