Monday , December 5 2022

Bilis kontra lakas (Khan vs Canelo)

ANG  SAGUPAANG Canelo Alvarez at Amir Khan sa darating na Linggo sa T-Mobile Arena sa  Las Vegas ang susubok kung ang bilis ni Khan ay uubra sa  lakas ni Alvarez.

Pero tiwala ang kampo ng Briton  na handang-handa si Khan  na harapin ang malaking hamon ni Alvarez.

“Training’s going really well. I’ve introduced new things in camp. I’ve been focused on watching a lot of videos of Canelo Alvarez, looking for a strategy to win this fight, but at the same time, doing a lot of strength work, because I don’t want to eat my way up to 155, I want to train my way up to 155. So I’m nice and strong at this weight. I feel very comfortable. I’m going to go into this fight very strong.”

Para kay Oscar De La Hoya, promoter ng The Golden Boy Promotions, marami nang beses nagsagupa sa ring ang bilis kontra lakas at napatunayan ng karamihan na madalas manalo ang bilis kontra lakas.

Hindi makakalimutan ni De La Hoya na sa kanya mismo nangyari ang nasabing hamon noong taong 2008 nang harapin niya si Manny Pacquiao na umakyat ng dalawang dibisyon para hamunin ang kanyang lakas bilang welterweight.

Bamama’t llamado sa lahat ng marunong sa boksing ang lakas at laki ni De La Hoya, nabaligtad ang pangyayari dahil nanaig ang bilis ng tinaguriang Pambansang Kamao.  Itinigil ng reperi ang laban sa 8thround na kung saan ay bugbog sarado na ang tinaguriang Golden Boy ng boksing.

Nagpahayag din ng kahandaan si Canelo sa magiging sagupaan nila ni Khan.   Ayon sa una, handa siya sa kahit anong istilo ang dalhin ng kanyang kalaban sa ring.   Kahit pa nga gayahin nito ang istilo ni Floyd Mayweather na tumalo sa kanya.

“He might try to [fight like Mayweather and box on the outside] but I’m ready for it now.

“I’m fighting at a different level now and have faced pretty much every style there is,”  banta ni Canelo.

About Hataw Tabloid

Check Also

TOPS PSC Noli Eala

TOPS officers nanumpa kay PSC Chairman Eala

MAHALAGANG mapanatili ang koordinasyon at pagkakaisa sa pagitan ng mga mamamahayag at ng Philippine Sports …

1st Mayor Ruffy Biazon Swim Cup

Mayor Biazon Swim Cup nagtala ng kasaysayan

UMABOT sa 1,200 swimmers ang kompirmadong lalahok sa 1st Mayor Ruffy Biazon Swim Cup na …

Joey Antonio Marlon Bernardino Antonella Berthe Murillo Racasa

Antonio, Bernardino, Racasa lalahok sa Auckland, New Zealand chessfest

MANILA — Nakatakdang lumahok sina Grandmaster Rogelio “Joey” Madrigal Antonio, Jr., National Master Almario Marlon …

Rogelio Banjo Barcenilla Jr Chess

GM Barcenilla panalo sa blitz

MANILA — Panalo ang Laguna Heroes sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online …

benjamin bauto Chess

Sebastian nagkampeon sa Bustamante Open chess tournament

ni Marlon Bernardino MANILA — Nakaungos sa tie break points si Ronnie Sebastian ng Talavera, …

Leave a Reply