Thursday , December 1 2022

De Lima not qualified maging senador — Sanlakas

SINABI nitong Lunes ng isang kilalang multi-sektoral na koalisyon na hindi kuwalipikadong maging Senador si dating DOJ Secretary Leila de Lima dahil kasapi siya sa baluktot na pamamaraan ng pamumuno ng umano’y “Daang Matuwid.”

Ayon kay Leody de Guzman, first nominee ng grupong Sanlakas, taliwas sa adbokasiya ng “Daang Matuwid” ng administrasyong Aquino ang pinaggagagawa ni De  Lima. Ilan dito ang pagkakait ng hustisya sa mga biktima ng summary execution kabilang ang mga tagpagtanggol ng karapatang pantao at mga miyembro ng media, patuloy na kawalan ng trabaho at underemployment, kontraktuwalisasyon, malawakang korupsiyon, pati na rin ang pagkupkop sa mga gumagawa ng katiwalian sa ilalim ng goberyong Aquino.

Umupo bilang DOJ Secretary si De Lima mula pa noong pamumuno ni Presidente Aquino. Bumitiw lang siya sa posisyon bilang paghahanda sa kandidatura bilang Senador.

Dagdag ni De Guzman, tagapangulo rin ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), kasapi si De Lima sa “kahindik-hindik at nakasusulasok na politikang dilaw ni Aquino, dating Sec. Mar Roxas at Cong. Leni Robredo.”

 Ayon sa Sanlakas, hidi nila tatantanan si De Lima dahil sa kapabayaan niya sa pagpapatibay ng kaso laban kay Janet Lim Napoles, dating Masbate Governor Rizalina Seachon-Lañete, at dating APEC Rep. Edgar Valdez, kaya nakapagpiyansa sa kasong katiwalian na kinakaharap sa Sandiganbayan kakabit ng P10 milyon PDAF scam.

Giit ni De Guzman, peke at huwad na tagapagtanggol ng hustiysa at “good governance” si De Lima dahil minarapat niyang ambisyonin ang pagtakbo sa Senado kahit na makakasama niya sa kampanya ng administrasyon ang mga dating inusig at kinasuhan n’ya bunsod na rin ng maanomalyang PDAF scam ni Napoles.

About Hataw News Team

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa Bicol nasakote sa Pasig

NADAKIP sa lungsod ng Pasig ang isang 48-anyos lalaking wanted sa kasong pamamaslang sa kanyang …

road accident

Bumangga sa barrier
11 PULIS SUGATAN SA TUMAOB NA PATROL CAR

SUGATAN ang 11 pulis nang sumalpok ang kanilang patrol car sa isang concrete barrier saka …

Bukidnon PPO Police PNP

Sa Bukidon
4 PATAY, 2 PA SUGATAN SA ALITAN SA LUPAIN

PATAY ang apat katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng barilan at …

dead gun police

Aresto nauwi sa enkuwentro, 2 suspek todas, 2 pulis sugatan,

TODAS ang dalawang miyembro ng isang criminal gang habang naaresto ang apat nilang galamay nang …

paputok firecrackers

Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
PRESYO NG PAPUTOK PATULOY NA TUMATAAS

MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo …

Leave a Reply