Saturday , July 27 2024

NFA may nakatago naman palang 36,000 MT ng bigas (Kidapawan farmers, ginutom talaga ng Malacañang!)

LABIS ang pagkadesmaya ni Makabayan senatorial candidate Rep. Neri Colmenares sa National Food Authority (NFA) na nagkakaproblema kung paano at kailan ipagbibili ang natitira nitong 2014 rice stocks samantala nagugutom naman ang ating mga kababayang magsasaka sa Kidapawan City, North Cotabato at iba pang lalawigan.

“Dapat inatasan ng Malacañang ang NFA na ipamahagi na lamang ang mga bigas. Napakarami palang stocks na nasa NFA, pero halos mamatay na po sa gutom ang mga magsasaka natin. Dapat ibinigay na ito sa mga magsasaka para may makain sila at ‘di na kinailangan pang magprotesta,” buntong-hininga ni Colmenares.

Nagpasya ang NFA, sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Malacañang, na isuspinde muna ang pagbebenta sa pamamagitan ng pagsusubasta sa nalalabing 3% ng inangkat na mga bigas noong 2014 makaraang namonitor ang mga magsasaka sa ilang mga lalawigan na nagsisimula nang umani ng kanilang pananim noong tag-araw.

“Ang sinasabi ng NFA maliit lang na bahagi ito pero sa napakalaking bagay kung naipamigay na lamang sana sa mga nagugutom na magsasaka sa panahong higit nilang kinakailangan ito. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? sabi pa ng progresibong solon.

“Dito nabubulgar kung gaano kainsensetibo at kawalang puso ang administrasyong Aquino. Ito ba ang ipinagmamalaking Daang Matuwid? Hindi dapat hayaang magpatuloy ang ganito. Ang kailangan natin  pamahalaang may puso at mabilis tumutugon sa kalagayan at pangangailangan ng mamamayan. Hindi ‘yung napakamanhid at ganid na mas gugustuhin pang pagbabarilin at ikulong ang mga magsasaka kesa ibigay ang tulong at pagkaing kailangan nila,” pawawakas ni Colmenares.

76 inarestong Kidapawan farmers laya na

NORTH COTABATO – Laya na ang 76 magsasakang inaresto makaraan lumahok sa rally na nagresulta sa madugong sagupaan sa Kidapawan, Cotabato, makaraan maglagak ng piyansa.

Ayon kay to Atty. Sarah Villamor ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), 76 mula sa kabuuang 78 magsasaka ang nakalaya na mula sa Cotabato District Jail dakong 2 a.m. kahapon.

Sinabi ni Villamor, tanging ang dalawang indibidwal na kinilalang sina Ruben Carlos Mangga at Ponciano de la Pena Paunil ang nananatili sa piitan.

Ang kanilang pangalan ay hindi kasama sa release order na nilagdaan ni Judge Rebecca De Leon ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC) sa Kidapawan City.

Ang NUPL lawyers and Karapatan paralegals ang nag-ayos para makapaghain ng piyansa ang mga magsasaka.

Kabilang sa mga nagbigay ng tulong para makaipon ng pangpiyansa ang ilang celebrity, pribadong indibidwal at iba pang concerned sectors.

About Hataw News Team

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *