Monday , May 20 2024

Magdalo: Poe-Trillanes kami

PINABULAANAN ng Magdalo Party-list na sinusuportahan nila ang kandidatura ni Vice Presidential candidate  Chiz Escudero, matapos lumabas ang balita na tatlumpong party-list groups ang nagkaisa upang iendoso ang nangungunang presidential candidate na si Sen. Grace Poe at ang kanyang bise presidente na si Sen. Chiz Escudero. 

Ayon kay Magdalo Representative Gary Alejano, “Gustong linawin ng aming grupo na si Grace Poe ang aming sinusuportahan sa pagka-presidente at si Antonio Trillanes IV naman sa pagka-bise presidente.

“Taliwas sa mga lumabas na balita, hindi namin ini-endoro si Sen. Escudero dahil tumatakbo rin  ang aming Magdalo national chairman na si Antonio Trillanes IV bilang bise presidente.”

Naniniwala kami na ang tambalang Poe-Trillanes ay pinakamainam na kombinasyon na magtutulak ng aming mga adbokasiya sa peace and order, anti-corruption, at poverty alleviation,” paliwanag ni Alejano. (HNT)

About Hataw News Team

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *