Thursday , June 4 2026

Major network binatikos (Biased, de facto electioneering)

021216 FRONT“KUNG hindi rin lang susundin ng lahat, ‘wag na lang tayong magpatupad ng ethical standards.”

Ito ang sinabi ng abogadong si Raul Lambino kahapon, Huwebes kasabay ng pagbatikos sa isang major television network ng “de facto electioneering” dahil sa pagpapalabas ng talambuhay ni Liberal Party vice presidential bet Leni Robredo sa isang primetime drama tatlong araw bago ang opisyal na simula ng campaign period para sa mga pambansang posisyon.

“Mahilig ilapat ng media ang mataas na ethical at moral standards sa mga kandidatong tumatakbo sa halalan, at mabilis sa pagkondena kapag nakakakita ng maling ginagawa,” ayon kay Lambino, ang Senior Deputy Secretary General ng Lakas CMD.

“Sana, ang media rin ay dapat na lapatan ng katulad na pamantayan o batayang polisiya. Bagamat maaari nga na, technically, walang paglabag ang ABS-CBN noong ipinalabas nila ang biopic ni Robredo bago ang opisyal na simula ng kampanya, kuwestiyonable ang ‘timing’ sa pagpapalabas ng nasabing episode at nagpapakita lamang ng bias o pagkiling ng nasabing network,” bigay-diin pa ng abogado.

Ayon Fair Elections Act, “No movie, cinematography or documentary portraying the life or biography of a candidate shall be publicly exhibited in a theater, television station or any public forum during the campaign period.”

Iginiit ni Lambino na ang malalaking media network ay dapat na “iwasan ang ganitong mga kuwestiyonabling gawain” dahil “sinisira nito ang kredibilidad ng institusyon na umaasa ng impormasyon ang publiko.”

Dagdag niya, hindi ito ang unang pagkakataong nakitaan ng “biases” ang ABS-CBN pabor o laban sa mga itinatampok ng network sa mga ibinabalita nito.

“Personal kong natutunghayan ang kuwestiyonableng pagtrato ng network sa mga balita tungkol sa Iglesia ni Cristo (INC),” ayon kay Lambino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …