Friday , May 17 2024

Kahirapan public enemy no. 1 – INC

020216 FRONTSA harap ng mga inihayag kamakailan ng iba’t ibang denominasyong pangrelihiyon na mariing tumutuligsa  sa lumalaking agwat ng mayaman at mahirap, nanawagan ang Iglesia Ni Cristo (INC) nitong Linggo para sa isang multi-sektoral na pagkilos magkakaiba man ang relihiyon upang sama-samang labanan ang kahirapan na tinukoy ng INC bilang “public enemy number one.”

“Bagama’t magkakaiba ang aming paniniwala, buo ang aming pagsang-ayon na kailangang sugpuin nating lahat ang lumalalang agwat ng kalagayang panlipunan,” ayon kay Glicerio B. Santos, Jr., General Auditor ng INC.

“Ang kahirlapan ay isang suliraning ipinamumukha sa ating lahat, isa itong pananagutang dapat kondenahin ng lahat ng pananampalatayang panrelihiyon, dahil sa ating bansa, ito ang public enemy number one, at sa Iglesia, ito ang itinuturing naming kalaban,” diin ni Santos.

Aniya, sa ilalim ng pangangasiwa ni Executive Minister Eduardo Manalo, pinaigting nang husto ng INC ang kanilang socio-sibikong proyekto at mga inisyatibang naglalayong sugpuin ang paghihirap sa bansa, na kanilang isinasakatuparan sa ilalim ng Felix Y. Manalo Foundation.

Ang mga eco-farming sites sa buong bansa, ang proyektong kanilang pinasimulan, ay inilunsad dalawang taon na ang nakararaan ng kasalukuyang pangasiwaan ng INC.

“Ang aming Lingap sa Pamamahayag ay isang programang isinasagawa sa buong taon na aktibong namamahagi ng materyal at espiritwal na paglingap sa mga kababayan nating nangangailangan – Iglesia man o hindi – sa iba’t ibang bahagi ng bansa,” paliwanag ng opisyal ng INC.

Isang halimbawa, ayon kay Santos, ang proyektong Lingap na isinagawa ng INC sa General Santos City nitong Biyernes na 12,000 “goodie packs,” 7,500 piraso ng damit at 10,000 laruan ang ipinamahagi sa mga miyembro ng INC at mga benepisyaryong iba ang paniniwala sa  Polomolok Gymnasium.

Halos 30 doktor at dentista ang nagbigay ng kanilang libreng serbisyo para sa mga benepisyaryo.

“Ang laban kontra kahirapan ay isang giyerang dapat nating suungin ng sama-sama, ano man ang ating kinalilinyahang politika at pinaniniwalaang pananampalataya. Higit nating mapagtatagumpayan ang kahirapan kung sabay itong pagsusumikapan at paglalaanan ng kolektibong kaparaanan,” dagdag ni Santos.

Ibinunyag sa survey ng Pulse Asia na inilabas noong October 2015 ang kita o suweldo, presyo at pagkakataon sa hanapbuhay ang pangunahing suliraning bumabagabag sa mga Filipino samantala ang pinag-isang resulta ng pagtatayang isinagawa noong nakaraang taon ay nagsasabing 11.4 milyong Filipino ang nananatiling mahirap, 51 porsyento ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap at 36% ang nagsasabing ‘hirap sa pagkain’ o nagugutom.

“Sa maliit naming paraan, may pagpapakumbaba naming ginagawa ang aming makakaya upang makatulong sa mga nangangailangan. Ang pagbuo ng isang mas malaking programang pakikibalikatan ng ating mga kapatid  sa ibang organisasyong socio-sibiko at mula sa ibang relihiyon ay makapagpupukaw sa maraming puso at higit ang magagawa nito sa mga komunidad na mabibiyayaan ng tulong. Ito ang mas mataas naming layon sa paraan ng Lingap.”

Ang Lingap sa Pamamahayag program ay nakapagpaabot na ng tulong sa maraming benepisyaryo sa mahihirap na komunidad sa Luzon, Visayas at Mindanao.

About Hataw News Team

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *