Thursday , June 4 2026

Biyuda ng drug pusher laglag sa shabu

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote ng mga tauhan ng Masantol Police ang 43-anyos ginang sa inilatag na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Masantol kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Chief Inspector Julius A. Javier, hepe ng Masantol Police, sa tanggapan ni Senior Supt. Rodolfo Recomono Jr., Pampanga Provincial Police Director, nabatid na number 1 sa talaan ng drug personality ng Oplan Lambat-Sibat ang suspek na si Maria Soledad Yambao, alyas Solsol, sinasabing pumalit bilang tulak makaraang mapatay sa operasyon ang kanyang mister noong nakaraang taon sa nabanggit na lugar.

Ang biyuda ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 & 11 ng Article 11 ng RA 9165, makaraang makompiskahan ng dalawang plastic sachet ng shabu at P500 marked money.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …