Wednesday , August 17 2022

5 patay sa van vs truck sa Samar

TACLOBAN CITY- Lima ang namatay habang tatlo ang nasugatan sa banggaan ng pampasaherong van at dump truck sa Sitio Ilawod Brgy. Naparaan Salcedo Eastern Samar kamakalawa.

Idineklarang dead on the spot ang limang sakay ng van na si Rhodora Garcia Pedrosa, mag-asawang sina Gilberto at Julita Labikani, at anak nilang si Jasmine at ang driver na kinilala lamang bilang si Peter.

Ayon kay Chief Inspector Sulpicio Habagat Sr., hepe ng Salcedo PNP, nangyari ang insidente habang ang pampasaherong van ay papunta sa siyudad ng Tacloban.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang driver ng dump truck na si Felix Yang Yankera Sales, taga-Mindanao, iniwan ang nasabing truck sa Quinapondan, Eastern Samar.

Napag-alaman, ang truck ay gagamitin sana sa ginagawang proyekto ng Millenium Challenge.

About Hataw News Team

Check Also

shabu

P.340-M droga kompiskado sa 5 miyembro ng criminal group

ARESTADO ang limang hinihinalang miyembro ng Randy Domingo Crime Group sa ikinasang buy bust operation …

earthquake lindol

5.5 magnitude na lindol yumanig sa Davao del Sur

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur nitong Lunes ng hapon, …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
7 TUPADA BOYS, 2 KAWATAN, 2 TULAK TIMBOG

NADAKIP ng mga awtoridad ang ang pitong nagtutupada, dalawang suspek sa insidente ng nakawan, at …

Muntinlupa Police

Muntinlupa ginawaran ng Best City Police Station Award ng SPD

IGINAWAD sa Muntinlupa City Police ng Philippine National Police (PNP) ang Best City Police Station …

Las Piñas City hall

Las Piñas, safe city sa Metro Manila

IDINEKLARA ang Lungsod ng Las Piñas bilang Safe City sa buong Metro Manila, sa ginanap …

Leave a Reply