Saturday , August 13 2022

4 bagets arestado sa gang rape

CAGAYAN DE ORO CITY – Agad naaresto ng mga pulis ang apat menor de edad na lalaking itinuturong gang rape suspects sa isang kolehiyala sa Upper Carmen, Cagayan de Oro City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktimang itinago sa pangalang Lalang ay kasalukuyang nilalapatan ng medikasyon makaraan halinhinang gahasain ng mga suspek.

Inihayag ni PO3 Eniego Obiosca ng Carmen Police Station, nakikipag-date ang biktima sa kanyang menor de edad na boyfriend nang atakehin ng mga suspek.

Iginapos ng mga suspek ang kasintahan ng biktima at halinhinan nilang ginahasa ang kolehiyala.

Samantala, itinanggi ng tatlo sa mga suspek na kasama silang humalay sa biktima.

Iginiit ng mga suspek na tanging taga-hawak lamang sila sa biktima habang ang isang alyas John-John lamang ang humalay sa kolehiyala.

About Hataw News Team

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply