Thursday , June 4 2026

Mag-aama timbog sa 12 chop-chop motorcycles, shabu sa drug ops sa Isabela

CAUAYAN CITY, Isabela – Tinatayang 31 grams ng shabu at 12 chop-chop na motorsiklo ang nakompiska ng mga pulis sa drug operation sa Mabini, Santiago City dakong 9 a.m. kahapon.

Ayon kay Sr. Supt. Alexander Santos, director ng Santiago City Police Office, ang naaresto nilang tatlong lalaking mag-aama ay ibeberipika pa nila ang pangalan dahil ayaw magsalita.

Tumangging sumama sa kanilang operasyon ang mga opisyal ng Brgy. Mabini, Santiago City na kanilang inimbitahan upang sila sana ang kikilala sa mga suspek.

Ayon kay Senior Supt. Santos, magsasagawa sila ng berepikasyon sa Land Transportation Office upang makilala ang may-ari ng nakompiskang mga motorsiklo para malaman kung ninakaw ang mga ito.

Nasa drug watchlist ng SCPO ang tatlong naaresto sa operasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …