Thursday , June 4 2026

14-anyos totoy nagbigti (Nakipag-away sa utol dahil sa bigas)

TUGUEGARAO CITY – Nagbigti ang isang 14-anyos binatilyo makaraan makipagtalo sa nakatatandang kapatid dahil sa bigas na kinuha ng biktima sa kanilang tiyuhin sa Sta. Ana, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Ian Jay Benavidez, residente ng Brgy. Centro sa naturang lugar, at trabahador sa farm ng kanilang tiyuhin.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang biktima at kanyang kapatid na si Joel dahil lamang sa bigas na kinuha ni Ian sa kanilang tiyuhin.

Dahil  dito, iniwan ni Joel  ang kanyang kapatid upang puntahan ang kanilang tiyuhin.

Makaraan ang ilang sandali, bumalik siya sa kanilang bahay ngunit nagulat nang makita niyang nakabitin ang kanyang kapatid na may tali ng nylon sa leeg sa loob ng kanilang bahay.

Agad naisugod ng nagrespondeng pulis sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …